^

Pang Movies

Baste-Ellen-John Lloyd love story pinaka-patok! ; Mga sawi at wagi ang lovelife ngayong 2017

SO... CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nag-trending ang hiwalayan sa showbiz nitong 2017 at marami ang nalungkot dahil taon ang binilang ng ibang magkakarelasyon na ito na nauwi sa hiwalayan. Kontrobersyal ang hiwalayan nila Ellen Adarna at presidential son Baste Duterte. Inabot ng walong buwan ang pagsasama nila. On and off daw ang dalawa hanggang si Baste na raw ang nagtapos ng relasyon nila sa pamamagitan ng isang text message.

Inamin din ni Baste na pinagsabay niya ang pakikipagrelasyon kay Ellen at sa girlfriend niyang si Kate Necesario kung kanino meron siyang anak na lalake.

Ngayon ay karelasyon na ni Ellen si John Lloyd Cruz at magkakaroon na rin sila ng baby nila.

Nagulat naman ang fans nila Erich Gonzales at Daniel Matsunaga nang bigla silang naghiwalay.

Nagsimula ang kanilang love story nang pagsamahin sila sa teleserye na Be My Lady ng ABS-CBN. Dalawang taon din ang tinagal ng relasyon nila.

Naging issue raw ang pera sa kanilang paghihiwalay. Nag-deny si Daniel sa tsismis na iyon, pero tahimik na lang si Erich tungkol sa kuwento.

Ngayon ay naka-move on na ang dalawa dahil meron na silang mga bagong karelasyon. Si Daniel sa isang Polish model named Karolina Pisarek at si Erich naman ay exclusively dating ang singer na si MJ Cayabyab.

Naintriga naman ang maraming netizens sa hiwalayan ng bida ng Barbi D’Wonder Beki na si Paolo Ballesteros at ang dancer-boyfriend niya na si Roland Ochoa Anog.

Sunud-sunod ang post noon ni Paolo ng photos nila ni Roland with matching tattoos pa sila at gold rings.

May mga photos din sila ng kanilang bakasyon sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Pero papainit pa lang ang samahan nila nang biglang lumamig ang lahat. Hanggang four months lang umabot ang samahan nila Paolo at Roland.

Walang binigay na dahilan si Paolo kung bakit di nagtagal ang relasyon nila ni Roland. Basta naudlot lang daw.

Marami naman ang nanghinayang sa relasyon ng mga PBB housemates na sina Tommy Esguerra at Miho Nishida or ToMiho.

Hindi nga umabot ng isang taon ang relasyon ng dalawa at ayon kay Tommy, naging kumplikado na ang samahan nila ng ilang buwan na.

Naging dahilan daw ng hiwalayan nila, ayon kay Miho, ay language barrier.

Naakusahan pa si Tommy na ginamit nito si Miho para mapalapit siya sa masa. Pero pinabulaanan ito ni Tommy dahil minahal daw niya si Miho at tanggap niya ang nakaraan nito.

Ngayon ay naka-move on na si Miho at nakikita na siyang ka-date si Young JV. Si Tommy naman ay career muna ang inuuna, pero nakita siyang ka-date ang member ng GirlTrend na si Kelley Day.

Nag-ingay din ang paghihiwalay ni Charice Pempengco a.k.a. Jake Zyrus sa kanyang longtime live-in partner na si Alyssa Quijano.

Apat na taon din ang tinagal ng relasyon ng dalawa at ang naging dahilan daw ng paghihiwalay nila ay ang pagiging transman ni Charice.

Malaki raw ang naging epekto nang pagpapalit ng image ni Charice to Jake Zyrus kaya umalis na lang si Alyssa sa apartment nila.

Pinagpatuloy pa rin ni Jake ang kanyang pag-transform hanggang sa may makilala na siyang bagong inspirasyon na si Shyre Aquino. Samatalang si Alyssa ay karelasyon ang isang non-showbiz guy.

Four years din ang tinagal ng relasyon nila Robi Domingo at Gretchen Ho bago sila naghiwalay. Wala naman daw third party. Gusto lang umano nilang mag-concentrate sa kanilang professions. Nagkakilala sina Robi at Gretchen sa mga event kung saan sila parehong naghu-host. Ngayon ay nahihirapan na raw na makasama ni Robi si Gretchen professionally.

Tuluyan na ring naghiwalay sina Thea Tolentino at Mikoy Morales pagkatapos ng apat na taong relasyon.

Tinapos na nila ito at nais na raw nilang mag-concentrate sa kanilang individual careers.

Naging close sina Thea at Mikoy nang magkasama sila sa reality artista-search na Protégé: The Battle for the Big Artista Break.

Minsan na raw silang naghiwalay pero mabilis silang nagkabalikan. Pero nitong huling breakup nila, mukhang wala nang balikan.

Pero tinuturing pa rin nila ang isa’t isa nilang kaibigan at willing pa rin silang magkasama sa trabaho.

Kung may hiwalayan, meron namang nagkaibigan sa taong 2017.

Kabilang na rito sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz na magkakaroon na ng baby next year. Nag-viral ang video ng dalawa noong magbakasyon sila sa Bantayan Island in Cebu.

Unang naging close ang dalawa nang magkasama sila sa sitcom na Home Sweetie Home. Tawagan na raw nila sa set ay baby love.

Though marami ang hindi makapaniwala, pinatunayan ng dalawa na “love conquers all” kahit ang bashers pa ang humadlang sa kanila.

Pinakita na ni Ellen ang engagement ring na bigay ni JLC na nagkakahalaga ng three million pesos ayon kay Lolit Solis.

Panay din ang sama ni JLC kay Ellen sa pagpapa-checkup nito sa ospital.

Hindi naman napigilan si Barbie Forteza na iparamdam sa lahat ang relasyon nila ni Jak Roberto na makasama niya sa teleserye na Meant To Be.

Sa isang bakasyon ni Barbie sa Amerika, nagpalipad siya ng isang candle balloon na may wish na “Monay at Pandesal Sana Magtagal.”

Hindi na nga sikreto ang relasyon nila sa marami dahil noong birthday ni Jak ay sinorpresa siya ni Barbie ng isang party. At noong nakaraang Pasko ay nagkasama-sama ang pamilya nila for Noche Buena.

Nagkatuluyan naman ang magka-loveteam na sina Joshua Garcia at Julia Barretto. Una silang nagkasama sa pelikulang Vince & Kath & James.

Nagsimulang manligaw si Joshua kay Julia noong 20th birthday nito at sinayaw pa niya ito sa music ng Beauty and the Beast. Sila rin ang magkasama sa naganap na Star Magic Ball. Muli silang nagtambal sa pelikulang Unexpectedly Yours at kita ang kilig ng kanilang pagiging loveteam in real life.

Marami ang natuwa nang balitang may namamagitan na kina Zanjoe Marudo at Bela Padilla. Parehong nahiwalay sa kanilang longtime partners sina Zanjoe at Bela bago nila natagpuan ang dalawa. Dating girlfriend ni Zanjoe si Bea Alonzo at ex-boyfriend naman ni Bela si Neil Arce na BF na ngayon ni Angel Locsin. Nagsama ang dalawa sa teleserye na My Dear Heart at doon na nagsimula ang lahat. Wala pa silang direktang pag-amin na sila na nga. Binuking ang kanilang tinatagong relasyon ni Vice Ganda sa kanyang kanyang show na Gandang Gabi Vice.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with