Vilma Santos Recto

Ate Vi mauudlot ang Christmas celebration kasama ang pamilya
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - December 11, 2017 - 4:00pm

Kung ang lagi ngang gusto ni Congresswo­man Vilma Santos Recto ay magkaroon ng sapat na panahon para sa isang family Christmas celebration, mukhang malabo pa rin iyon this time dahil member nga siya ng executive committee ng Metro Manila Film Festival.

“May mga meeting na sila lang naman talaga, kaya na nila. Bale iyong committee naman will act basta may policies na kailangang pag-usapan o baguhin, pero sinabi ko naman sa kanila na as a member of the committee lagi naman akong naka-monitor kung ano man ang nangyayari, at kung kaila­ngan nila ako, available naman ako” sabi ni Congressman Vi.

Naalala pa nga ni Ate Vi, malaki ang kaibahan ng role niya sa festival ngayon kaysa noon.

“Noong araw, alam naman ninyo may mga pelikula rin akong kasali sa festival. Matindi ang tension diyan kasi talagang noong araw naman contest iyan eh. Sino ang may pinakamaraming supporters na darating sa parada? Sino ang magi­ging top grosser at ano ang standing ng pelikula mo.

“Noon naalala ko, the night before pa lang, may natatanggap na kaming tawag na iyong mga fans ko raw nakapuwesto na ang bus doon sa dadaanan ng parada. Ang hiling lang naman nila ay makawayan sila pagdaraan ng float namin. Kaya ako naman noon I make it a point na tan­daan kung saang lugar iyong sinasabi nila at talagang hinahanap ko sila para makawayan man lang. Isipin mo noon, kung saan-saang probinsiya pa sila nanggagaling. Tapos wala nang uwian iyon, kasi kinabukasan first day, gusto na rin nilang panoorin ang pelikula namin. Unlike ngayon kasi na ang mga pelikula sa MMFF ay kasabay na ang showing sa mga probinsiya, noon ilang buwan bago makarating sa kanila ang pelikula.

“Ngayon dahil sa mga mall, sa nationwide theater circuits, at para huwag namang maunahan ng mga film pirates, talagang sabay na ang showing,” sabi pa ni Ate Vi.

Sinabi rin niyang wala naman siyang nakikitang problema sa festival ngayong taon.

“Hindi ko pa naman napapanood ang mga pelikula, pero ang feedback sa akin marami raw pelikula na napakaganda ng pagkakagawa. May sinabi pa nga sa akin na may pelikulang siguro raw kahit na busy ako gagawin ko rin iyong project kung ganoon. May feedback din na ang mga pelikula natin ngayong taong ito ay siguradong kikita naman. Iyon naman ang main concern natin eh, kumita para may maibigay naman sa Film Academy, sa Mowelfund at iba pa na nangangailangan ng tulong talaga. Isa pa, kailangan nating makabawi at mapatunayang viable pa ang industriya ng pelikula dito sa atin,” sabi pa ni Ate Vi.

Mga naninira kay Maine, tukoy na!

Nagpaalam ng maayos si Maine Mendoza sa kanyang manager at producer ng Eat Bulaga na si Tony Tuviera at pinayagan siya nito.

Dapat tigilan na ang mga black propaganda na pinalalabas pang maaaring lumipat si Maine ng ibang network. Baka nga mangyari iyan tapos iiyak-iyak kayo.

Iyon namang mga patutsada, mate-trace mo naman kung kanino nanggagaling na kampo. Mas­yado kasing identified sa kanila ang mga nagpapatutsada at siguro hindi na maitatago na mga tauhan nila iyon. Wala naman kasing sense of neutrality sa simula pa lang.

Dating sexy actor, tumanda’t nagkapamilya na sa piling ng gay lover

May edad na rin pala ang dating male sexy star. Forty years old na siya ngayon, may asawa at dalawang anak na. Pero hanggang ngayon ay nagkikita pa rin sila ng kanyang gay lover na nakarelasyon niya noong artista pa siya.

Tumanda na lang siya, pero nakasandal pa rin siya sa bakla.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with