Heart naki-tsika kay Japan Prime Minister Abe

Heart Evangelista at Japan Prime Minister Shinzo Abe

Iba rin ang level ni Heart Evangelista bilang asawa ni Senator Chiz Escudero. Nakilala lang naman niya nang personal ang Prime Minister ng Japan nang bumisita si Pres. Duterte sa Japan kung saan bahagi ng delegation si Sen. Chiz. “It’s such an honor to meet Prime Minister Shinzo Abe,” caption ni Heart sa photo nila ng PM ng Japan na nangako ng tulong sa bansa na makamit ang mga infrastructure projects na kailangan natin particular na ang subway.

Bago ang two-day trip sa Japan, sunud-sunod ang provincial trips ni Heart para sa My Korean Jagiya na balitang tinatalo ang katapat kaya raw sinisipagan pa nito.

Nakabalik na sina Heart mula Japan nu’ng isang gabi pa.

Aktor walang leading lady sa drama series na gagawin

Tuloy na ang paghihiwalay ng isang sikat na loveteam. Inaayos na ang drama series na pagbibidahan ng actor pero wala raw itong particular na leading lady na makakapareha.

Naka-focus daw ang kuwento sa actor para maiwasan ang pagwawala ng fans ng magka-loveteam ayon sa source na insider ng isang network.

May hawak na silang sked ng actor at inaayos na ang script ng drama series.

Show comments