Vilma Santos

Ate Vi may binitiwang pangako
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - September 10, 2017 - 4:00pm

“Ang mahalaga sa akin ngayon ay iyong nakikita kong appreciation ng mga tao sa tuwing mag-iikot ako sa mga barangay. Ang feeling, pareho rin noong binigyan ako ng presidential award for public service. Iyong pagsalubong sa iyo ng mga tao, iyon ang totoo dahil sila mismo iyong binibigyan mo ng serbisyo.

“Kagaya rin iyan ng mga acting awards. Marami kang natatanggap na awards bilang artista, pero hindi ba mas masaya ka kung marami ang nanonood ng pelikula mo kasi iyon lang naman ang makapagpapatunay na gusto ng mga tao ang performance mo.

“This year, baka nga hindi ako makagawa ng pelikula sa dami ng trabaho, but it was a good year. Sinasabi nga nila doon pa lang sa una, iyong Eddys napili na nila akong best actress. Tapos naman sa sumunod, si URIAN, binigyan tayo ng Natatanging Gawad, doon lang ok na, lalo na at kung iisipin na isang pelikula lang naman ang ginawa ko last year, at ang mas nakakatuwa, kumita ang aming pelikula at naipalabas naman sa mahuhusay na sinehan.

“Kung iisipin mo, what I had was more than enough, wala na akong dapat pang hangarin,” sabi ni Congresswoman Vilma Santos.

Pero umaangal naman ang mga Vilmanians na naghihintay ng mga pelikula niya.

“Matagal na silang umaangal sa akin dahil hindi nga ako makagawa ng pelikula. Umaangal din sila sa akin dahil hindi ko nga magawa hanggang ngayon iyong TV show na inialok sa akin. Noon kasing may TV show ako, napupuntahan nila ako weekly sa studio. Eh ngayon alam nila na may standing offer hindi ko magawa. Ayoko kasing magsimula tapos baka sumabit ang schedule mas nakakahiya. Palagay ko naman naiintindihan nila ang pagpapaliwanag ko tungkol sa mga bagay na iyan.

“Actually sinasabi ko nga sa kanila, manood muna kayo ng iba. Maraming magagandang pelikula ha, in fairness. Ako nga sinasabi ko sa mga fans, suportahan ninyo lahat ng pelikulang Pilipino. Marami ring magagaling na bagong artista. Wala man akong TV show, nandiyan naman si Luis. At saka nangangako naman ako na basta nagkaroon ng panahon, talagang gagawa ako ng pelikula ulit,” sabi pa ni Ate Vi.

Gabby binibira sa award  sa Korea

Mayroon pang naninira kay Gabby Concepcion, sinasabing iyon daw napanalunan niyang award sa Korea ay hindi naman nagsasabing magaling siya kung hindi kinikilala lamang siya star sa drama sa Asya.

Bakit ba kung anu-ano pa ang sinasabi ninyo, kung hindi ba dahil kay Gabby mababanggit man lang ang Pilipinas sa awards na iyon? Isa pa, makikita ninyo sa trophy na nakaukit ang pangalan ni Gabby. Hindi mo masasabing nagkamali sila sa award na iyon. Hindi ninyo masasabing “ipinag-tie lang siya” sa iba pang mga artista.

May hecklers talaga na masabi lang, hindi na nag-iisip kung tama o mali.                  

Ina ng male aktor, sinisante bigla ang publicist

Hindi namin maintindihan kung bakit, pero sobrang galit daw ang mother dear ng isang male star sa dating publicist ng kanyang anak. Biglang putol ang suweldo ng publicist, at ang balita, affected talaga ang income ng publicist dahil main source of income niya ang bayad mula sa male star. Wala namang masabing dahilan kung bakit nangyari iyon.

Ang tsismis nila, lahat daw ng gamit ng publicist na nabili niya nang hulugan, na ang inaasahang pambayad ay iyon ngang kita niya bilang publicist ng male star ay binabawi na ngayon ng mga supplier dahil hindi na nga niya nahuhulugan.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with