^

Pang Movies

Sexy actress na walang regular na trabaho, may koleksyon ng mamahaling bag at sapatos!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Pinagdududahan ang sexy actress na ito dahil sa mga gamit nitong mga signature bags, shoes at iba pa niyang gamit.

Sey ng isang stylists, nagugulat siya sa mga gamit ng sexy actress na ito dahil sobrang mahal ang mga gamit nito at kung gamitin lang ng sexy actress ay pang-araw-araw lang.

Parang hindi ito nanghihanayang na gamitin niya ang mga ito hanggang sa mabilis na maluma.

“In fairness sa babaeng ‘yan, totoo ang mga signature bags, shoes at damit niya. May pruweba na totoo. Pero parang hindi siya maalaga. May mga LV bags nga siya na nasira na sa kakagamit niya. May mga Chanel siyang shoes na sira-sira na ang mga takong. Sey nga niya, madali lang daw niyang mapalitan ang mga iyon. Tapos sabay tumawa. Lukaret, ‘di ba?”

May isang TV host nga na nag-akala na baka fake designer bags and shoes meron ang sexy actress. Baka raw sa Greenhills lang daw nito binili ang mga iyon.

“Akala ko rin na mga fake. Kasi ‘yung mga Class A na mga designer bags sa Greenhills parang totoo na. Pero malalaman mo na fake dahil sa lining at sa zipper. Pero ‘yung kay young actress, mga totoo. Kapag ginagamit lang niya, nagmumukhang fake.

“Kasi naman ang babaeng ‘yan, hindi marunong i-style ang sarili niya. Pinaghahalu-halo niya lahat ng designer labels sa katawan niya. Feeling ko tuloy para siyang boutique kasi lahat ng signature items nasa katawan niya,” tawa pa ng stylist.

Ngayon daw ang kinahuhumalingan ng sexy actress ay ang mga Hermes at Balenciaga na tatak. Kakabalik nga lang daw ng young actress mula sa isang bakasyon ay ang dami raw dala nitong mga pinamili.

“Sosyal, ‘di ba? Bongga siya mag-shopping daw. Shop-‘til-you-drop ang drama niya. Nakakapagtaka lang, wala naman siyang regular na pinagkakakitaan parati pero afford niya ang isang bag na ang halaga ay P350,000. At may sapatos nga siya na worth P50,000.

“Wala na nga tayong pakialam kung saan galing ang mga pambili niya, ‘di ba? As long as walang susugod sa kanya na misis ng kung sinong mayamang lalaki na nasa buhay niya ngayon, tuloy lang ang pag-shopping niya,” pagtatapos na chika ng source namin na stylist.

Lovely nangarap maging best actress

Inamin ng sexy na komedyante na si Lovely Abella na bago siya pumasok sa showbiz ay marami siyang pinagdaanang paghihirap.

Sa interview ni Lovely sa Tunay na Buhay, ikinuwento ni Lovely na naging dakilang extra raw siya noon at ibinahagi niya kung paano niya tiniis ang maging artista na walang pangalan.

“Alas sais ‘yung tinatayo pa lang ‘yung tent, wala pa ‘yung mga cameraman naroon ka na. Wala kaming tent, kung saan lang kami puwedeng magpahinga. Mayroon kaming mga karton para maupuan,” sey ni Lovely.

Pagkatapos ng kanyang pa-extra-extra, lumabas sa telebisyon si Lovely sa segment na Just 4 Kikays ng Bitoy’s Funniest Videos noong 2004 kung saan siya ang nagpa-prank sa mga ordinaryong tao.

Kasunod nito ay natanggap si Lovely bilang isa sa dancers ni Willie Revillame at ‘di kalaunan ay naging host pa siya sa gameshows na ito. Mula noon, nakilala na si Lovely sa telebisyon hanggang sa mapabilang siya sa cast ng Sunday PinaSaya, ang kanyang itinuturing na biggest break.

 Kasama na rin siya sa gag show na Bubble Gang.

“Wala akong pinangarap kung hindi maging Best Actress. Hindi ko alam na komedyante pala ang ending ko,” natatawang pagtapos ni Lovely Abella.

Taylor Swift nanggulat na naman sa second single

Hindi nawawalan ng panggulat ang pop superstar na si Taylor Swift dahil nilabas na nito ang second single mula sa kanyang album na Reputation (due out in November 10) na ang titulo ay Ready For It?.

Mainit pa rin na pinag-uusapan sa music world ang pasabog na single niya na Look What You Made Me Do dahil sa pag-break nito ng records sa Spotify, YouTube at nag-number one na ito sa U.K. Singles Chart, heto at meron namang pag-uusapan ang fans at critics ni Taylor.

Nagkaroon ng world premiere ang kanyang bagong single nang iparinig ito sa isang college football game between Alabama and Florida State noong nakaraang Sabado.

Noong araw ng release ng Ready For It?, nasa Martha’s Vineyard si Taylor at isa siyang bridesmaid doon para sa wedding ng kanyang best friend na si Abigail Anderson.

Ibinalita rin ang pag-donate ni Taylor ng mala­king amount sa Houston Food Bank para matulu­ngan ang mga naging biktima ng Hurricane Harvey. Malapit sa puso ni Taylor ang Houston dahil sa University of Houston naka-graduate ang kanyang inang si Andrea Swift.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with