Bagong loveteam ni Heart, pito ang alam na lengguwahe

Ready na ang K-Drama fanatics nang malaman nilang magti-taping din dito sa bansa si Alexander Lee, ang Korean actor na makakatambal ni Heart Evangelista-Escudero sa My Korean Jagiya. Noong una ay unahan ang fanatics sa pagpu-post ng picture ng mga Korean actor na siya raw makakatambal ni Heart (pronounced as jagya, meaning darling). Pero walang tumama sa mga hula nila.

Nang magsimula kasing mag-post si Direk Mark Reyes at Heart ng mga eksena nila sa serye, kung hindi kita ang face ng Korean actor, nakatalikod naman ito kaya walang makahula kung sino talaga ang Korean actor.

Ang Korean actor ay si Alexander Lee na mas gustong tawagin ng mga K-fans na ‘Xander.’ Twenty nine years old si Xander, na half-Korean, half Portuguese-Chinese, born on July 29, 1988.  Isa siyang singer, actor at host sa Seoul, Korea.  Former member siya ng boy band na U-Kiss at ilang beses na ring nakapag-perform dito sa Pilipinas kaya kilalang-kilala na siya ng mga Filipino fans na mahilig sa K-Pop singing groups.

Hindi naging problema na kausapin nina Heart at Iya, Direk Mark at ng production staff si Xander dahil fluent siya sa English, Korean, Cantonese at Mandarin. Marunong din siyang magsalita ng Japanese, Spanish at Portuguese. Nagho-host siya ngayon sa Arirang TV, ang #StyleCast2017  at may daily radio show siya, ang Double Date Show on tbs eFM.

Puring-puri naman ni Xander, although medyo ninenerbyos daw siya, ang Filipino production staff na mababait daw. Hindi raw niya kasi in-expect na muli siyang babalik sa paggawa ng TV series na dati niyang ginagawa noon.  Duma­ting na si Xander last Sunday evening, with two other Korean actors para sa taping dito. Kaya naman bawal i-post kung saang hotel sila naka-check-in para hindi sila maistorbo. 

Maine inihagis-hagis! 

Buwis-buhay ang performance ni phenomenal star Maine Mendoza noong Tuesday sa Eat Bulaga kung saan ka-tandem niya si Ryan Agoncillo.

Hindi biro ang ilang beses na paghahagis kay Maine ng mga dancer, na nang bilangin namin, ten times, kaya naman hindi halos humihinga ang audience sa Broadway Studio. 

Kahit si Nanay Dub, hindi nakatiis mag-post sa kanyang Twitter account na: “Jusko Lord, ang anak ko. Hope all is well on her! Hanggang ngayon ninenerbyos pa rin ako. Ang galing-galing naman talaga ng team RaMen.” Hindi nga raw siya halos humihinga habang pinapanood ang anak at nasa tabi niya si Tatay Dub na nagpapakalma sa kanya. Si Alden Richards din ay nakitang naka-clasp ang mga kamay, na parang nagdadasal sa safety ni Maine at matapos ang performance, nilapitan niya agad.

Pero mamaya, muling lalaban sina Maine at Ryan sa weekly finals at kung mananalo pa rin sila, lalaban naman sila bukas, Friday, sa grand finals, na makakalaban niya si Alden dahil sila ni Sinon ay nanalo sa weekly finals last week. Kaya ang mga fans, nagdadasal na sana raw ay makaya ni Maine ang dalawang araw na magkasunod na performance.

Show comments