^

Pang Movies

Kris gustong ibaon sa limot sina Herbert at James

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kris gustong ibaon sa limot sina Herbert at James

Kris Aquino

Nabigo ako na pikunin kahapon si Kris Aquino dahil hindi niya pinatulan ang mga pang-ookray sa kanya nang magkita kami kahapon sa Manila Cathedral para sa church wedding nina Alfred Vargas at Yasmine Espiritu.

Parang nag-internalize si Kris na hinding-hindi siya magpapaapekto sa mga kagagahan ko.

“Mag-move on ka na” ang sagot ni Kris sa akin nang i-remind ko na ikinasal sila ni James Yap sa sala ni Boy Abunda.

Inirereto ko si Kris kay Jomar Ang, ang 24-year-old son ng business tycoon na si Ramon Ang pero hindi siya interested dahil bagets si Jomar na nag-proxy sa tatay niya bilang wedding sponsor.

Pulang-pula ang tenga ni Jomar habang tinutukso ko si Kris na sinabihan ko na palitan na niya si Quezon City Mayor Herbert Bautista. Ang sey ni Kris, matagal na silang hindi nag-uusap ni Papa Herbert at never na naging sila pero hindi naniniwala ang madlang-bayan.

VM Joy parang ‘di tumatanda

Si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang partner ni Papa Herbert bilang cord sponsor.

Bagets looking si Mama Joy kaya hindi siya agad nakilala ng ibang mga bisita.

Present din sa kasal nina Alfred at Yasmine ang fadir ni Mama Joy, si former House Speaker Sonny Belmonte na parang second father ng groom.

Nang magkita kami ni Kris, sinabi ko talaga sa kanya na si Mama Joy ang susuportahan ko na mayor ng Quezon City sa susunod na eleksyon.

Sinagot ako ni Kris na balita as in tsismis lang na kakandidato siya na alkalde ng Quezon City.

Alfred umatungal sa kasal nila ni Yasmine!

Cry me a river si Alfred habang nagmamartsa papunta sa altar si Yasmine.

Naniniwala tuloy ako sa obserbasyon na mas emosyonal ang mga groom kesa sa mga bride sa araw ng kanilang kasal.

Kontrolado yata talaga ng mga bride ang kanilang mga emosyon dahil iniiwasan nila na masira ang make up.

Mga flower girl sina Alexandra at Ar­yana, ang dalawang anak na babae nina Yasmine at Alfred.

Ang cute ng mga bagets sa gowns nila na gawa rin ng fashion designer na si Cary Santiago.

Naghanda ng dance number sina Alexan­­dra at Aryana para sa wedding reception ng parents nila. Mukhang papasok rin sa showbiz sina Aryana at Alexandra kapag lumaki na sila at kung papayag ang mga magulang nila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with