^

Pang Movies

Regine sina Robin at Aga lang ang type katrabaho!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

“It’s nice to be back,” sey ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid nang dumating siya sa una niyang naging tahanan, ang Viva, after 30 years. Dito unang nag-record ng album si Regine, unang gumawa ng pelikula at unang binigyan ng pagkakataon ni Boss Vic del Rosario na mag-host ng isang talent search. So, ano ang mangyayari dahil naka-contract pa siya sa GMA Network, lilipat ba siya?

“For recording lamang at ang coming concert ko ang gagawin ko sa Viva,” nakangiting sagot ni Regine.

“Magkakaroon ako ng solo concert sa Mall of Asia Arena sa October 21, titled R3.0. Ipi-feature namin doon ang retrospective of my biggest hits, new recordings and popular oldies that are close to my heart.

“Gagawa rin ako ng album, bale three discs, 10 songs each, ang isa new recordings, isa iyong new versions of my big sellers, at iyong mga songs na kinakanta ko sa concert na hindi ko pa naire-record.  Mga original compositions sila ng Filipino composers.  Pwede ninyong bilhin ang album ng per volume, or in three volume set. Sa ngayon bawat ire-record kong song, pinag-aaralan ko munang mabuti kung paano mabibigyan ng new sound, siguro, iyon ang challenge sa akin. Kailangan kasing mas maganda ang gawin ko kaysa original.  Minsan, mas maganda kung lalaki ang kumakanta ng song kasi hindi maiku-compare iyon sa pagkanta ko.

“Minsan may insecurities din ako kapag napapansin kong may naiba na sa boses ko, siyempre, hindi naman ako bumabata na, kaya minsan may kulot, may huskiness, pero sabi ng asawa ko, si Ogie, mas maganda nga raw ang boses ko, nararamdaman daw niya ang passion ko sa pagkanta, mas may feelings daw ngayon.

“Nagsimula na akong mag-record, at lima na ang natatapos ko. Ang maganda lamang, hindi mahirap sa akin dahil sa bahay lamang namin ako nagri-record, may recording studio kami roon kaya hindi ko nami-miss ang anak ko, si Nate.”

Pero paano ang contract niya sa GMA?

“My contract will expire pa sa January, 2018, pero may option pa sila para i-renew ako. Hindi naman nila ako hahayaang umalis, at hindi rin ako aalis sa kanila kasi nirerespeto nila ako, inalagaan nila ako kahit noong nag-asawa at nagbuntis ako kay Nate, hindi nila ako pinabayaan. Ang contract ko sa Mulawin vs. Ravena hanggang September lamang ang ta­ping ko dahil I have to prepare na para sa concert ko. Magaan din ang schedule ko sa kanila dahil may week na twice a week lamang ako nagti-taping, minsan once a week, minsan naman wala. Mabuti rin iyong hindi ako ang solong bida, ensemble kami, kaya hindi kailangan na lagi akong nasa eksena. After MVR may isa pa akong gagawing show sa GMA, bago matapos ang contract ko.  Hindi na siguro iyon teleserye, dahil mahaba ang teleserye.”              

May offer din si Boss Vic kay Regine na gumawa muli ng movie sa kanila, biro niya, tatanggapin daw niya kung ang magiging leading men niya sina Robin Padilla at Aga Muhlach, pero ang makakatuluyan niya ay si Ogie Alcasid o ‘di kaya si James Reid. One at a time raw lamang muna, dahil balak din ni Boss Vic na magkaroon ang R3.0 ng provincial tour.

Sa ngayon, pinag-iisipan pa nila kung sinu-sino ang magiging special guests ni Regine. Pero kailan mari-release ang kanyang new album?

Hopefully before the concert on October 21, pero kung hindi, siguro back-to-back na lamang ang concert at ang release ng album, asahan ninyong nandoon ako na magbibenta ng album bago ako mag-concert,” masayang pagtatapos ni Regine bago ginanap ang contract signing with Boss Vic, Mr. Tony Ocampo of Viva Records at ng manager ni Regine, ang sister niyang si Cacai Velasquez-Mitra.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with