Miss Manila 2017 kokoronahan na!

Masayang Araw ng Maynila sa lahat ng mga Manilenyo, ngayong June 24. Mamayang gabi malalaman na kung sino ang mananalong Miss Manila 2017 sa 30 candidates na mag-uuwi ng P1 million worth of prizes, na bubuuin ng P500-K at management contract sa Viva. The 1st runner-up will receive P350-K, 2nd runner-up P250-K, 3rd runner-up P150-K, at 4th runner-up P100-K.

Gaganapin ang grand coronation night sa PICC sponsored by The City of Manila at ng MARE Foundation with Viva Live. Ang delayed telecast ay mapapanood sa Sunday’s Best ng ABS-CBN, after Gandang Gabi Vice sa June 25.

Janice Biglang nanganay kay Gabby

After almost 30 years na nagkahiwalay as a love team, first time na muling magtatambal sa isang drama anthology sina Gabby Concepcion at Janice de Belen sa May Forever: The Ariel Cruz and Julieta Manuel Story na mapapanood mamayang gabi sa Magpakailanman sa GMA 7 pagkatapos ng Pepito Manaloto.

Isinikreto pala muna ng manager nilang si Popoy Caritativo kay Gabby kung sino ang magiging leading lady niya pero madali raw niyang nalaman kung sino ito sa mismong araw ng taping. Nakita niyang dumating sa location ang car ni Janice. Kaya inamin ni Gabby na nagkaroon na rin ng closure ang kanilang naputol na relasyon noon ni Janice nang bumalik siya sa bansa noong 2008 matapos manirahan sa Amerika. 

Parehong excited sina Gabby at Janice sa muli nilang pagtatambal, pero mas nanaig ang nerbyos ni Janice dahil nakita niya ang excitement ng production staff nang magsimula silang mag-taping. Para raw ang taas ng expectation nila sa kanila ni Gabby. 

“Excited naman ako kasi ang tagal-tagal na nang huli kaming magtambal ni Janice, sa Rosenda pa noong 1989,” sabi ni Gabby. 

“Pero marami kaming pinagtambalang movies noon at ngayon first time sa TV. Siguro, makakatikim ako muli ng paborito kong Blueberry cheesecake na ginagawa niya. Sayang nga lamang at two taping days lang kami ni Janice, tapos minsan lang ipalalabas.”

Si Janice naman, ang tanda niya, ang huli nilang gin awa ni Gabby ay ang Pakasalan Mo Ako in 1991. May nerbyos nga raw siyang nararamdaman, “Dahil parang ang tanda na namin ni Gabby para sa ganitong story, dahil wala akong ginagawang anything na romantic sa mga shows, kaya parang nanganganay ako, parang hindi ko kayang gawin lalo na at matagal na rin akong walang dyowa. Pero siguro dahil we’re both mature na ni Gabby, it’s a better experience to work with each other now.”

Both are willing naman na gumawa ng isang teleserye na magkasama. Si Janice ay katatapos lamang ng Destined To Be Yours at si Gabby ay may ginagawa ngayong top-rating afternoon prime na Ika-6 Na Utos.

Makakasama nina Gabby at Janice sa drama anthology ni Mel Tiangco, si Inah de Belen na gaganap na batang Janice at ang batang Gabby naman si Jeric Gonzales, kasama rin sina Thea Tolentino, Lovely Rivero, Simon Ibarra, at sa direksyon ni Ms. Gina Alajar.

Jake hindi pumasang Gabby

Speaking of Inah, natuwa naman siya nang hindi niya naka-interact ang inang si Janice sa Magpakailanman dahil siya nga ang gumanap na young Janice. Parang hindi raw niya kakayaning kaeksena si Janice. Biniro si Inah sa interview kung bakit hindi niya ni-request na ang boyfriend na si Jake Vargas ang maging young Gabby. Hindi raw pwede kasi tisoy si Tito Gabby niya kaya si Jeric Gonzales ang kinuha. 

Hindi rin daw against si Janice kay Jake at natutuwa si Inah na very vocal si Janice sa pagsasabing gusto niya si Jake para sa kanya. Siguro raw nakita ng mama niya na walang bahid ng yabang si Jake. Mabait at tahimik daw lamang si Jake pero hindi masungit, mahiyain lamang talaga ang boyfriend.

Show comments