Mocha taob ang mga ibang naka-posisyon, Asst. Sec. na ng PCOO

Tinalbugan ni Mocha Uson ang ibang nakaupo sa gobyerno.

Kahapon ay itinalaga siya ng Malacañang bilang assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Lumabas kahapon ng hapon ang kanyang appointment paper.

Nauna na siyang na-appoint na board member ng Movie ang Television Review and Classification Board (MTRCB).

May mga natuwa sa naging appointment ng dating sexy singer pero marami rin siyempre na ang napamura.

Kaya naman sa Twitter kahapon, num­ber one trending ang blogger na si Mocha na ngayon nga ay Assistant Sec. Mocha na.

Maaalalang nakasama si Mocha sa official entourage nang bumiyahe si President Duterte last April sa Middle East.

Naikumpara tuloy na bu­ti pa si Mocha na-appoint samantalang si Ms. Gina Lopez, ngangang secretary ng Department Environment and Natural Resources (DENR) matapos i-reject ng Commission on Appointments.

Kathryn sakang daw, ‘di bagay na Darna!

Ay sakang daw si Kathryn Bernardo kaya malabong maging Darna. Ito ang reaction ng mga nakabasa sa item na may chance na si Kathryn ang pumalit sa inayawang role ni Angel Locsin ngayong balitang paghihiwalayin muna sila ng ka-loveteam niyang si Daniel Padilla.

‘Wag naman daw sana si Kathryn.

Si Liza Soberano raw talaga ang bagay.

Anyway, wala pang confirmation kung sino ba talaga ang napisil sa nasabing pelikula na tungkol sa Pinoy super hero na gawa ng sikat na si Mars Ra­velo na sinasabi ring ipapasok sa MMFF.

Show comments