Malditong direktor bigla-biglang nagpa-pack up ng ta-ping!

Sumakit ang ulo ng isang producer dahil sa pagiging maldito ng isang director.  Hindi kasi nito nagustuhan ang nakuhang location ng pelikulang ginagawa.

Ilang araw rin kasing nagpagod ang production staff ng sinimulang proyekto. Wala namang angal ang director nang ipakita sa kanya ang hitsura ng lugar.

‘Yun nga lang, pagdating sa set ng director, umayaw siya sa location. Pina-pack up niya ang shooting kaya hindi lang ang producer ang dismayado kundi maging ang buong staff dahil nabalewala ang lahat ng kanilang hirap at pagod.

Nagkamot na lang ng ulo ang producer na hindi magawang tara­yan ang director, huh!

Mike at Arnold walang pikunan

Walang pikunan na nangyayari kina Mike Enriquez at Arnold Clavio kapag nag-aabot ang programa nila sa DZBB. Ngayon ka­sing napapanood na rin siya sa TV bukod sa naririnig sa radio, nakikita na ang ginagawa nila nang personal.

Wala bang pikunan kina Arnold at Mike sa biruan nila?

“The boss is always right!” singit ni Joel Reyes Zobel na pasok na sa kanilang grupo with Ali Sotto.

“Si Mike, imbestigador ‘yan, hard-hitting commentator. Nu’ng pumasok na ako, nakuha ko ‘yung weak side niya. Kasi talagang hindi naman siya ‘yung istrikto na kilala ng tao. Gusto kong makiliti siya at makita ng tao ang the other side of Mike.

“So naging natural ‘yon hanggang sa nagtuluy-tuloy na. Tatay ko siya. Anak niya ako! Ha! Ha! Ha!” biro ni Arnold.

“Ang kultura sa Dobol B, hindi lang kami. Lahat! Ang kultura sa amin ay very, very, I don’t want to use the word…Parang hindi ka nasa workplace eh.

“Hindi siya parang, serious work ah. It doesn’t mean na wala na kaming ginawa roon kungdi magbiruan. We’re friends. I don’t know how to describe it. it’s beyond description eh.

“We don’t treat each other like...We’re having fun as we do our thing,” paliwanag ni Sir Mike.

“Tulungan. Walang saksakan!” singit ni Arnold.

That translates both on the air and off the air. Sa labas, saka ang hilig namin, simple lang. Kumain lang ng pizza na pa-deliver ni Arnold o pandesal na may peanut butter. Masaya na kami nun. Ganoon lang kami,” dagdag ng boss ng dalawa.

Mas ganado nga sina Mike, Igan at Joel dahil todo na ang suporta ng RiteMed Philippines, Inc. Dati nang sumusuporta ang kumpanya nu’ng wala pa sila sa TV. Pero ngayon, dahil sa pagtitiwala, higit nilang susuportahan ang programa.

Ang RiteMed ang gumagawa ng ilang generic medicines at nakilala ng publiko dahil sa catchy jingle nilang Huwag Mahihiyang Magtanong na kinanta ni Susan Roces.

 

Show comments