Pinagbayad ng sinungaling na produ ng $250 ,nagsalita na, James nag-sorry sa mga nalokong fans!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - April 10, 2017 - 12:00am

Nitong nakaraang linggo ay pinagpistahan ang kontrobersyal na US tour nina James Reid at Nadine Lustre na Always JaDine dahil sa Facebook rant ng show producer na si Elaine Crisostomo ng Entablado Productions.

Sumagot na ang Viva Live tungkol dito para ipagtanggol ang kanilang mga artista at sinabing wala raw silang negosasyon kay Elaine para sa alinmang US concert ng dalawa.

Nag-tweet na rin si Nadine ng kanyang reaksyon at nitong nakaraang Sabado, finally ay naglabas na rin ng kanyang saloobin si James about the matter sa kanyang Twitter account.

“I’m sorry for the fans who were tricked into paying $250 for a brunch that was not approved. I didn’t even know about it until the day after,” unang tweet ni James.

Ang nasabing brunch (breakfast and lunch) with the fans ang isa sa inirereklamo ni Elaine na hindi raw sinipot ng JaDine.

Sumunod na tweet ni James, “Elaine Crisostomo is not a cre­dible promoter and a liar. She still owes our production head (not Nadine @mjfelipe) $27,000.”

Sa kasunod na tweet, aniya, “We went straight to our hotel room because of our 3am flight. Ofcourse we’re tired. And Ellaine never spoke to me until after the concert.”

Patuloy pa ni James, “All the fans involved already know the truth. I hate to explain all this but I’m just annoyed that these lies are still being spread on TV.”

Bilang patunay about Elaine’s inconsistency, ini-repost ni James ang isang video ng fan kung saan ay nagsasalita si Elaine na sold out ang concert at pinupuri ang JaDine sa galing at husay ng mga ito at sa pagiging accomodating.

Sa caption sa video ay inilagay ni James “make up your mind” patungkol sa producer.

Maging ang JaDine fans ay nagsama-sama para ipagtanggol ang kanilang idolo. Nagtayo sila ng Facebook page na We Hate Elaine Crisostomo” at dito ay katakot-takot talaga ang mga panglalait nila sa nasabing show promoter. Tinawag nila itong scammer, liar, at may mura pang kasama.

Hindi na ngayon mahagilap sa FB ang account ni Elaine at ayon sa isang JaDine fan, nagpalit na raw ito ng pangalan sa FB at binura na ang lahat ng mga ipinost nito about JaDine.

Vice inakalang tapos na ang karera  sa AlDub

Ipinagdiwang ni Vice Ganda last Saturday sa It’s Showtime ang kanyang 41st birthday. Actually, noong March 31 pa ang kanyang kaarawan pero dahil nga nasa US siya para sa kanyang concert tour, nitong nakaraang Sabado lang sila nakapag-celebrate sa show.

Ayon kay Vice, walang humpay ang pasasalamat niya sa madlang people sa pagtangkilik sa kanya at sa show na pitong taon nang namamayagpag sa ere.

“Nakakatuwa, dahil dati, pangarap ko lang talaga, noong nanonood ako ng TV, noong fan pa ako ng showbiz, sabi kong gano’n, ‘pangarap ko lang, makapag-celebrate ng birthday sa GMA Supershow’ kasi diba, pag nag-birthday ka sa GMA Supershow, star ka?” say ni Vice sa show.

Say pa niya, may pagkakataon daw na inakala niyang nagsawa na ang mga tao sa kanya at hindi na siya panonoorin.

“Nalungkot talaga ako noon. There was a time, sobra akong nalungkot, sabi ko, ‘parang tapos na yata ‘yung karera nung kabayo, nagtagumpay yata ‘yung mga nag-wish na matapos na ‘yung karera ng kabayo’. Pero hindi, mas marami pa lang nagdadasal sa akin.

“At noong mga panahon na ako mismo, pinagdudahan ko ‘yung sarili ko na ‘ay wala na yatang may gusto sa akin, wala na yatang nagmamahal sa akin’, ‘yun pala, napalingon lang kayo sa iba, pero ako pa rin ang binalikan ng mga mata ninyo kaya maraming-maraming salamat po,” pahayag pa ni Vice na marahil ang tinutukoy na panahon ay ‘yung time na natatalo sila sa ratings ng Eat Bulaga because of AlDub (Alden Richards at Maine Mendoza) mania.

Sinabi rin ni Vice na ano man daw ang show na dumating sa kanya at mawala, itong It’s Showtime ang hindi niya kakayaning mawala.

“This has been the biggest gift na natanggap ko bukod sa buhay ko at sa nanay ko kaya maraming-maraming salamat,” sabi pa ni Vice.

NADINE LUSTRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with