Maine sinasapawan si Alden!

MANILA, Philippines -  Maraming nakakapuna na tila yata nasasapawan na ni Maine Mendoza sa acting ang kaparehang si Alden Richards sa series nila together na Destined To Be Yours.

Dibdiban na ang acting ng dalaga pero waring kulang sa emotion ang actor.

Halatang ayaw mapahiya ni Maine sa kanyang mga kababayan sa Bulacan.

Tiyak ngang mapipintasan ka kung lalamya-lamya ka sa pag-arte.

Sa totoo lang, ngayon lang nagkaroon ng showbiz personality sa buong Bulacan na kinikilala sa buong bansa maging abroad.

Pagkain ng daga, palaka at insekto ni kris inaantay

Sayang, hindi namin mahagilap sina Madam Auring at Madam Rosa.

Gusto kasing ipatanong ng fans kung matutuloy ba ang TV special ni Kris Aquino sa GMA 7 na eere raw sa April 9.

Sa nasabing special, napabalitang kakain ang TV host ng daga, palaka at salagubang.

Sunshine nai-in love na kay gabby!

Teka, totoo ba ‘yung tsismis na nasagap namin na isa sa dalawang artistang babae na kasama ni Gabby Concepcion sa seryeng Ika-6 Na Utos ay tila nade-develop na sa kapogian ng actor?

Common knowledge na ang kasama ni Gabby sa nasabing series ay sina Sunshine Dizon at Ryza Cenon, sino kaya sa kanila ito?

Well, wala namang masama. Sabi nga, tao lamang na may karapatang umibig. Sobrang makatotohanan kasi ang acting nilang tatlo maging sa kissing scene at mahigpit na yakap ng actor.  

Show ni Coco umuubos ng libu-libo sa isang eksena lang

Pinakamagastos na TV show ng ABS-CBN ang FPJ’s Ang Probinsyano na dinidirek nina Coco Martin at Toto Natividad.

Imagine, mga screen giant like Ms. Susan Roces at Eddie Garcia ang napagsama nila.

Isang blasting scene lang habang nakikipagbakbakan si Coco ay libu-libo na agad ang gastos sa pulbura ng putukan. Bihasa na si Direk Toto sa rami nang mga naidirehe niyang action movies.

Masaya si Coco dahil suportado siya ng mga malalaking artista ng showbiz.                      

Show comments