Andi umaming namali sa petsa ng graduation ng anak
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - April 4, 2017 - 12:00am

Panibago na namang controversy ang salpukan sa korte nina Jake Ejercito at Andi Eigenmann kung matutuloy nga. Humihingi si Jake ng equal custody ng anak nilang si Ellie. Sinabi ni Jake na may mga banta si Andi na hindi na ipakikita sa kanya ang kanilang anak. May sinasabi rin iyon na iniligaw pa siya sa petsa ng graduation ng anak nila.

Bukod doon, may mga iba pang mga reklamong isinampa si Jake na sinabi niyang hindi na tamang ginagawa ni Andi na nakikita ng anak nila.

Sa panig naman ni Andi, naniniwala siyang hindi na kailangan ang korte para sa equal custody ng kanilang anak. Sinabi naman niyang pinapayagan niyang kunin ni Jake ang kanilang anak anytime na tumatawag ang kapatid nitong si Jerika.

Inamin din niyang nagkamali siya sa nasabi niyang petsa ng graduation ni Andi, pero dahil sa tingin niya ay hindi naman interesado ang binata dahil ni hindi nagsabi sa kanya kung darating o hindi, at hindi na niya ito nai-correct.

Ang gusto ni Andi, mapag-usapan na lang nila nang sila lamang kung ano ang problema. Hindi siya naniniwala na kailangan pa ang isang kaso sa hukuman.

Siguro sa parte naman ni Jake kaya ganoon, gusto niyang magkaroon ng legal assurance na hindi nga itatago sa kanya ang anak niya. Kung may court ruling nga naman sa custody, mas sigurado ang lahat ng kanilang gagawin.

Bistek absuwelto sa flowers ni Kris

Lumalabas na ngayon ang totoo. Hindi si Mayor Herbert “Bistek” Bautista kagaya ng naunang tsismis ang nagpapadala ng bulaklak at lobo kay Kris Aquino, kundi iyong dating car racer na si Renan Morales. Aminado na ang ex-presidential sister na  diumano ay nanliligaw nga sa kanya si Morales. Ang nanay din ni Morales ang  diumano ay producer ng TV special ni Kris.

Pero natawa kami roon sa karugtong ng kuwentong iyon na nagsasabing “matagal nang gustong kumalas ni Kris pero ayaw pumayag si Mayor Bistek”. Ha?

Aywan kung wala lang kaming malay, pero hindi kasi namin pinaniwalaan na nagkaroon nga ng totohanang relasyon si Kris at si Mayor Bistek. Kung totoong relasyon iyon, basta na lang ba tatalikod si Mayor matapos na mag-ingay ang mga anak niya sa common law wife niya? At saka bakit parang si Kris lang ang nagsasabing nagkaroon sila ng relasyon? Never umamin si Mayor Bistek.

Aktor na may ka-loveteam iba ang kaakbay nang manood ng sine!

Nakita namin ang isang aktor na part ng isang love team sa isang mall sa BGC. Pero iba ang kanyang kasama na nanood ng sine, hindi ang sinasabing ka-love team niya na nililigawan niya talaga.

Magka-akbay pa sila ng date niya habang pumapasok sa sine. Ang mga love team nga naman.

ANDI EIGENMANN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with