Aktres na first time magbida, feeling sikat agad
Joe Barameda (Pang-masa) - March 23, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Totoo kaya itong nasagap kong tsika na isang aktres ang nag-iinarte komo malakas sa televiewers ang teleseryeng kinabibilangan niya? Ang feeling daw ng aktres ay siya ang dahilan kung bakit malakas o mataas ang ratings ng kanilang programa. Kaya raw nagkakaroon ng ilang demands ang aktres na ikinaloloka ng production.

Kung tutuusin ay kahit sino ang ilagay sa role na ginagampanan niya ay maghi-hit ang teleserye at sa tulong din ng ibang cast. Ngayon na nga lang daw nabigyan ito ng magandang role ay feeling superstar na agad ang dating. Hindi na yata nadadala ang mga ito base sa sinapit ng ibang artista na nag-inarte ng ganyan. Kung tutuusin, puwede naman patayin ang role niya at gawan na lang ng twist ang istorya.

Naalala tuloy namin ang isang artista na pilit gustong mamahinga sa kalagitnaan ng kainitan ng teleserye. Ayun at hindi napigilang patayin sa story. Tumagal ang teleserye nang wala siya at kalaunan ay sinisi ang production sa pagkakapatay niya sa teleserye. Kung ‘di ba naman mga baliw. Tapos mananakot na lilipat sa ibang network.

Mabubuhay ang mga network kahit mawala kayo. Kaloka!

Inah kapatid pa lang ni Jake ang nakikilala

Inamin ni Inah de Belen ang matagal nang tsika na may relasyon sila ni Jake Vargas. Ang tagal bago namin napaamin si Inah sa set ng Encantadia kung saan isa siya sa tagapangalaga ng Brilyante.

Sa seryeng Oh, My Mama sila nagkakilala ni Jake at doon daw nabuo ang relasyon nila. Wala sa set si Jake noong bumisita kami sa Encantadia dahil nasa set naman siya ng Pepito Manaloto na may taping din. Hindi pa raw nakikilala ni Jake si John Estrada pero na-meet na nito si Janice de Belen.

Hindi namin naitanong kung nakarating na si Inah sa lugar ni Jake sa Olongapo although nakilala na ni Inah ang kapatid ni Jake.

Dumarami na ang cast ng Encantadia at nagkakasanga-sanga na ang mga istorya. Kaya mukhang magtatagal pa ang fantaseryeng ito na malapit nang mag-isang taon huh.     

JAKE VARGAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with