^

Pang Movies

Attention Piolo Pwera Usog pinirata agad

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nakakabilib talaga ang mga pirata ng pelikula, huh! Showing na ngayon ang horror movie na Pwe­ra Usog pero may pumirata na nito online, huh!

Palibhasa kumikita ang movie, P3-M sa opening day at walang padding, hayun at hindi na naghintay ang mga pirata para ilabas agad ito on line, huh!

Nanawagan tuloy ang fans ni Devon Seron, isa sa cast ng movie, na i-report sa kinauukulan ang pagpirata sa Regal mo­vie. Mas magandang panoorin ito sa big screen upang madama ang gulat at takot na hatid ng movie.

Naku isang malaking challenge kay Piolo Pascual ang masuheto ang mga pirata ngayong siya ang napiling ambassador ng Optical Media Board, huh!

isang CABINET na sapatos ni heart, idinispley sa social media

Pinasilip ni Heart Evangelista ang bago niyang bahay sa isa niyang Instagram account na @stylebylovemarie. Nandoon kasi ang lahat ng fashion finds at interior designs na pinagkakaabalahan niya.

Siyempre pa, follow pa more ang fans niya upang makita ang iba’t ibang bahaging tinitirhan ngayon ng Kapuso actress. Sa huling update ni Heart, makikita ang cabinet na punumpuno ng kanyang mga sapatos.

Super happy ang netizens sa nakita nila na nag-aabang sa walk in closets ng Kapuso actress. Komento ng followers, gusto nilang makita ‘yung cabinet niya ng designer bags lalo na ang Hermès.

Kung may sneak preview si Mrs. Escudero sa ilang bahagi ng bahay niya, sabik na rin silang malaman kung ano ang magiging role niya sa GMA telefantasya na Mulawin vs. Ravena, huh!

Ate Vi ayaw nang tapatan si Nora!

Sinigurado ni Nora Aunor na darating siya bukas sa Eat Bulaga. Tinawagan siya kahapon ni Jose Manalo sa segment ng Kap’s Amazing Love Stories at nangakong pupunta sa noontime show.

May intriga ngang kinuha rin para bukas si Ate Guy sa katapat nitong programa. Pero bali-balita lang ‘yon. Finals din kasi ng contest ng kalabang show.

Pero on air ay nangako si Nora, sa EB Dabarkads at fans niya na sa Bulaga siya pupunta ngayong araw na ito.

Nitong nakaraang araw eh nalaman namin na guest sa Bulaga ang Superstar. Nakatakda siyang isalang sa game na Jackpot En Poy. Kinukuha nga si Congresswoman Vilma Santos-Recto para silang dalawa ang maglaban.

Pero pag weekend, nasa Lipa City si Ate Vi para makasama ang kanyang constituents.

vuukle comment

PWE­RA USOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with