Diego, selos sa half-sisters ang dahilan ng galit kay Cesar?!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - February 10, 2017 - 12:00am

Inunahan na ni Ogie Diaz, na siyang nag-host ng press conference para sa bagong serye ni Maja Salvador na Wildflower ang lahat na, “Alam ko marami ang gustong magtanong nang magtanong kay Sunshine Cruz. Pero alam ko rin ang sasabihin niya no comment”.

Kasi nga noong araw na iyon, ang laman ng lahat ng mga usapan ay ang mga ipinost ni Diego Loyzaga laban sa kanyang amang si Cesar Montano. Alam naman ng lahat na si Sunshine ay asawa, nguni’t humiwalay na rin kay Cesar mahigit apat na taon na ang nakararaan, at may kaso pa rin silang hinaharap sa korte hanggang ngayon.

Hindi na nga kumikibo si Sunshine, at pagkatapos na pagkatapos ng press conference na iyon ay talagang tatakas na, pero naharang din siya noong mga gustong makarinig ng kanyang opinion.

Pero ganoon na nga ang kanyang sinabi, “Personal iyan between Diego and Cesar. Dapat silang dalawa ang mag-usap niyan. Dapat din sila ang tanungin ninyo. Mahirap namang makialam pa ako diyan hindi naman ako talagang concerned. Concerned lang siguro ako in a way dahil malapit din sa akin si Diego. He stayed with me briefly lang naman, pero close siya talaga sa mga anak ko. Sa amin pa nga siya nag-New Year the last time. Mahal ng mga anak ko si Diego bilang kuya nila, and he has been very nice with them”, sabi ng aktres.

Sinabi rin niyang personally, naniniwala siyang mabuting bata naman si Diego at hindi siguro kagaya ng sinasabi ng iba na may bisyo.

“Diego is such a nice boy. Ang masasabi ko, naging mabuti ang pagpapalaki sa kanya ni Tere­sa. Naalagaan siyang mabuti ng nanay niya. Naging maganda iyong kanyang kabataan. Siguro nga nagkaroon siya ng disappointments sa buhay niya. Alam mo iyong tao kahit na anong bait niyan, kahit na anong tino niyan, kung minsan bigla na lang sasabog iyan basta napuno na. Ang feeling ko kay Diego umabot na sa ganoong point kaya niya nagawa ang lahat ng iyon.

May nagsasabing ang isa sa hinanakit ni Die­go ay mukhang ang mga anak ni Sunshine ay nabibigyan ng suporta samantalang siya ay wala kahit na ano.

“Ayokong pag-usapan iyan, at ayoko namang maliitin ang ibinibigay niya sa mga anak namin. But on record ang ibinibigay niya sa tatlong bata ay forty thousand pesos, kasi sinasabi nga niya wala naman siyang trabaho ngayon and that is all he can afford. Sa akin ok lang naman iyon dahil marami naman akong trabaho. Thanks to ABS-CBN. Kung hindi ako nagtatrabaho, we can’t survive. Iyon lang binabayaran kong bahay fifty-five thousand pesos a month na. Minsan lumalapit pa ako sa mga magulang ko, pero nakaka-survive naman kami,” sabi ni Sunshine.

“Sana maayos na nila iyang problemang iyan at huwag nang lumaki pa. For my part, ipinagdadasal ko na lang na sana ma-grant na iyong annulment ng kasal namin para wala na akong kuneksiyon sa kung ano mang mga issue. Diego is such a good kid. Tumigil na siya. Inalis na niya ang mga posts niya. Pero as far as ako at ang mga kapatid niya ang concerned, narito lang kami para tulungan siya for whatever it is,” patapos na pahayag pa ni Sunshine.

OGIE DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with