Young actress na pa-sweet ang image, P1-M ang presyo sa isang gabi!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - January 3, 2017 - 12:00am

Natipuhan daw ng isang mayamang Chinese businessman ang isang sweet na young actress. Pinairal ng negosyante ang pera upang makakuha siya ng kunek sa demure na aktres.

Nagulantang nga lang ang Intsik nang sabihin sa kanya ang presyo ng sweet actress sa isang gabing meet and get – P1-M, huh!

Umatras ang negosyante at maghahanap na lang daw ng look alike ng sweet actress sa mamahaling girlie bars!

Celebrity couples tamis-tamisan

Pasiklaban ang ilang celebrity couples sa nilalanggam nilang ka­ta­misan nu’ng New Year sa kanilang posts sa Instagram.

Twinning ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa damit nilang polka dots.

Sumabay naman sa bagong taon ang anniversary ng lovers na sina Derek Ramsay at model girlfriend na si Joan Villablanca.

Nasa beach naman ang bagong lovers na sina Ryza Cenon at Pocholo Barretto. Gayundin sina Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger, huh!

Siyempre, may celebs ding nganga pa rin hanggang ngayon sa pag-ibig kaya solo flight nilang sinalubong ang 2017!

Zsa Zsa magmumuni-muni sa Israel!

Far from the maddening crowd ang beauty ni Zsa Zsa Padilla. Fly siya nitong nakaraang araw patungong Israel para sa isang pilgrimage.

Sa post ni Zsa Zsa, pinangarap niya noon pa man ang makapag-pilgrimage sa Israel.

“Good evening, everyone! At the airport lounge now for a 7hr flight to Istanbul, then final destination Tel Aviv. I’ve always dreamed of going on a pilgrimage and today…I’m, finally going. Take care, loves. #2017 #newyear #pilgrimage.”

Solo picture lang ni Zsa Zsa ang naka-post sa IG account niya. Wala ang picture ng boyfriend na si Conrad Onglao.

Tom dinala sa bilangguan si Carla!

Ipinagmalaki ni Carla Abellana sa IG post niya ang pagdala sa kanya ng boyfriend na si Tom Rodriguez sa isang haunted prison sa Amerika. Sa abroad sinalubong nina Carla at Tom ang 2017.

“HOLY MOLY! I’m so happy I got to visit Hell Hole Prison. Only @akosimangtomas knows how big of a fan I am of Ghost Adventures. Ask me about any of their episodes and I’ll be able to answer. That’s how much I love the show! Weird I know but I’m so fascinated by anything paranormal. This particular haunted prison, The Yuma Territorial Prison was featured on Ghost Adventures’ Season 12 episode 8 (o, ha mesmerized talaga) so you can just imagine how ecstatic talaga I was to be here!” caption ni Carla.

Pinasalamatan ni Carla si @mr.applesauce14 sa pagdala niya sa nasabing prison. Kapatid ni Tom si @mr.applesauce14 na nag-post ng pic ni Tom sa isang prison cell doon.

ZSA ZSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with