Maraming artista palihim na nagpaayos ng mukha!
HINTS AND TRACES - Lolit Solis (Pang-masa) - January 2, 2017 - 12:00am

Long weekend dahil Rizal Day noong Biyernes at special holiday ngayon kaya sinamantala ng ibang mga artista ang pagkakataon para asikasuhin ang kanilang beautification project.

May mga kilala ako na palihim na nagpaayos ng mukha pero hindi ko masasabi ang kanilang mga pangalan dahil malamang na mag-deny sila.

Bibihira ang mga artista na umaamin na may ipinagawa sila sa kanilang mga mukha. Nabubuhay sila sa ilusyon na natural ang kanilang mga ganda na hindi inakala.

Hindi natin sila masisisi dahil ang mga mukha ang kanilang mga puhunan sa showbiz. Karapatan nila na magpaganda at magpapogi dahil sariling datung ang kanilang ginagastos.

Red Juice itinuturing na miracle drink

Congrats sa aking kaibigan na si Joey Santos dahil siya ang distributor sa leading drugstores ng Red Juice.

Si Joey ang dahilan kaya dalawang beses ako na lumipad sa Germany para sa stem cell procedure.

At dahil likas na masipag, ang distribution ng Red Juice ang bagong pinagkakaabalahan ni Joey.

Sumusumpa ang ibang friends ko sa magandang epekto ng Red Juice sa katawan. Affordable ang presyo ng Red Juice na inirerekomenda ng mga doktor sa mga diabetic at sa mga bilib sa body detoxification.

One of these days, plano ni Joey na ipakilala sa showbiz ang Red Juice na miracle drink para sa regular drinkers nito.

Robin dinenay na naman sa US visa!

Hindi shocking ang balita na rejected uli ng US Embassy ang visa application ni Robin Padilla.

Marami ang naka-feel na hindi mapagbibigyan ang request ni Robin nang i-share nito sa social media ang appeal niya sa US Embassy.

Na-sad ang fans ni Robin dahil hindi nito madadalaw sa Amerika ang kanyang misis na si Mariel Rodriguez at ang kanilang bagong silang na anak.

Ang maghintay sa pagbabalik ng mag-ina niya ang tanging magagawa ni Robin dahil hindi pa puwedeng magbiyahe sa eroplano ang baby girl nila.

Mabuti na lang, modern na modern na ang techno?ogy dahil anytime na gustuhin nila, puwedeng mag-usap sa FaceTime, Skype at Viber sina Robin at Mariel.

Basta maganda ang wifi signal, maaaring mag-usap nang matagal ang dalawa dahil libre ang tawag sa Facetime etc.

Mga pasaway nagpaputok pa rin

Kakaunti lamang ang nagpaputok noong New Year’s Eve pero hindi nawala ang mga pasaway na nagpaputok ng baril, may mga tinamaan ng mga ligaw na bala, nasugatan at namatay.

Mabuti na lang, natukoy at nahuli ang pulis na nagpaputok ng baril.

Sa totoo lang, type na type ko na walang nagpapaputok ng firecrackers dahil bukod sa tahimik ang paligid, walang nasasaktan.

Puwedeng-puwede naman na i-welcome ang pagpasok ng Bagong Taon na hindi kailangan na mag-ingay o magpaputok.

Bawal sa Davao City ang firecrackers at ang pag-iingay dahil ipinatupad ito ni President Rodrigo Duterte noong alkalde pa siya. Ngayong pangulo na si Papa Rody ng Pilipinas, wish ko na ipagbawal na rin niya sa buong bansa ang paggamit ng mga paputok sa tuwing sasapit ang New Year.

RIZAL DAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with