_pang-masa
^
Digong ka-level sina Pope Francis, Bill Gates at Mark Zuckerberg sa Most Powerful ng Forbes!

President Rodrigo Duterte

Digong ka-level sina Pope Francis, Bill Gates at Mark Zuckerberg sa Most Powerful ng Forbes!

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - December 16, 2016 - 12:00am

Happy ang supporters ni President Rodrigo Duterte dahil kasali siya sa Most Powerful People list ng Forbes Magazine at in good company siya dahil nakalista rin ang mga pangalan nina President Vladimir Putin ng Russia at Donald Trump, ang bagong halal na pangulo ng Amerika.

Number 70 ang name ni Papa Rody at ka-le­vel niya sina Pope Francis, Bill Gates, at Mark Zuckerberg.

Ito ang short article tungkol kay Papa Rody ng prestigious magazine:    

“The former mayor of Davao City was elected president of the Philippines in May 2016 on the strength of a campaign that promised the swift exe­cution of drug users and other criminals, and his war on crime has already resulted in the killing of thousands of people .

“In October, Duterte announced a “separation” from a century-long strategic alliance with United States, and plans to realign the Philippines towards China. Duterte’s tendency to say what he thinks, no matter how raw, also keeps him in the headlines: He’s referred to U.S. President Barack Obama as a “son of a whore” and used homophobic slurs to describe political opponents.

“In December the country’s independently elected vice president, Leni Robredo, resigned an additional position which she’d been appointed to by Duterte. The VP cited “major differences in principles and values” with the President, and promised to head up a new opposition party.”

Mother Lily naglamyerda sa Japan pero babalik sa Pasko

Bakasyon grande sa Japan si Mo­ther Lily Monteverde at ang kanyang pamilya.

Inasikaso muna ni Mother ang showing sa mga sinehan ng Mano Po 7: Chinoy noong Miyerkules bago sila rumampa sa Japan ng kanyang mga anak.

Time out muna si Dondon Monteverde sa grand presscon ng Seklusyon dahil ang family vacation sa Japan ang priority niya.

Ang Seklusyon ang official entry ng Reality Entertainment sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF) at si Dondon ang produ ng pelikula.

Ka-join din sa lamyerda sa Japan si Roselle Monteverde, ang eldest daughter ni Mother Lily na involved na rin sa pagpo-produce ng mga pelikua.

Hindi naman magtatagal sa Japan ang Monteverde family dahil may-I-celebrate nila sa Pilipinas ang Pasko at Bagong Taon.

Uge at Paolo pinagsasabong ng fans

Hindi talaga nauubusan ng pasabog ang mga bading dahil mega react sila sa meme ni Eugene Domingo na may caption na happy movie ang Ang Babae sa Septic Tank 2: Forever is Not Enough dahil may mga bakla sa pelikula niya na kasali sa 2016 Metro Manila Film Festival.

Hindi nagpatalbog ang mga supporter ni Paolo Ballesteros na may pralala na mas masaya ang Die Beautiful na kasali rin sa MMFF 2016 dahil bakla ang lahat ng mga karakter ng pelikula.

Pang-goodtime lang ang kiye-kiyemeng tarayan ng fans nina Eugene at Paolo.

Hindi naman nila nakakalimutan na may special participation si Eugene sa Die Beautiful na hindi puwedeng i-deny dahil napapanood siya sa trailer ng launching movie ni Paolo.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with