Vice ‘nangungulila’ pa rin kay Direk Wenn
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - November 24, 2016 - 12:00am

Napaiyak daw si Vice Ganda nang malamang hindi nakapasa sa panlasa ng committee ng MMFF ang kanilang pelikula na Super Parental Guidance, kung saan muling magkakasama sina Vice at Coco Martin, kung saan uli ang kanilang pelikula last year na The Beauty and The Bestie ang naging top grosser dahil kumita ito ng more than P500-M, yes, P500-M.

Mas nanghihinayang daw kasi siya sa efforts na ibinigay nila nina Coco, Direk Joyce Bernal, mga member ng production at crew, plus ang child actors na sina Xymon “Onyok” Pineda at McNeal “Awra” Briguela para mabigyan ng masaya at nakakaaliw na panoorin ang mga pamilya-pamilyang susugod sa sinehang ngayong Christmas.

Kaya, grateful daw si Vice Ganda sa desisyon ng Star Cinema na ipalabas ang Super Parental… ng mas maaga. Dalangin nga lang daw ni Vice Ganda na natanggap na ng mga gustong manood ng movie ang kanilang Christmas bonus at 13th month pay.

Amen, ang mahinang dugtong naman ni Coco.

Ang Super Parental Guidance ang unang beses para kay Vice Ganda na maidirek ni Joyce Bernal sa pelikula.

Si late Wenn Deramas kasi ang nag-direk ng Beauty and The Bestie last year.

“Coco and I miss him,” saad ni Vice. “Lalo na ako. We were a team, as most of my films, especially pang-MMFF, ay siya ang nagdi-direk.

“But this doesn’t mean na hindi kami impressed with Direk Joyce’s as a director. Napakagaling din siya.

“And Super Parental… will prove this.”

Super Parental… opens in theaters nationwide on November 30.

May premiere showing ito November 29.

Dayaw mga tradisyonal na manggagamot ang ipapakita

Inaanyayahan ni Senator Loren Legarda ang lahat na manood ng fourth episode ng Dayaw, ang show na kanyang hino-host sa Thursday, 6:00pm sa ABS-CBN News Channel (ANC) and ANC HD.

In this particular episode raw, Dayaw features the episode Buo Ang Loob — Shamans and Healers of the of the Philippines.

Ipi-feature ang mga traditional healers at ang kanilang sariling method ng paggagamot.

And they usually delve raw into the spiritual rather than emotional, lalo’t when it concerns the physical symptoms.

First time rin daw na mapanood sa television ang kung tagurian ay Panaing ritual ng Abra.

Dayaw is produced by the National Commission for Culture and the Art (NCCA), na we heard, ay malapit nang pamunuan ng singer na si Freddie Aguilar.

Ruffa gusto nang pakasal sa BF na inaayawan ni Annabelle

Kinukunsidera pa rin daw ng actress-turned-author na si Ruffa Gutierrez ang muling pagpapakasal. After all, ilang taon na ring na-annulled ang kanyang marriage sa Turkish na si Yilmas Bektas, na ama ng kanyang teenage daughters na sina Lorin at Venice.

Sa kanyang interview kay Boy Abunda sa show ng huli na Tonight with Boy Abunda, inamin niyang going strong ang relasyon niya at ng kanyang foreigner-boyfriend na si Jordan Mouyal.

By the way, Ruffa’s book, titled Truth and Lies My Mom Told Me, is on sale na sa halagang P245.00 sa National Bookstore.

No need to tell you that Ruffa’s mom is Annabelle Rama, her dad naman ay still debonair na si Eddie Gutierrez.

VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with