Kylie may kinalaman sa mental health ang kampanya

Sa pagkorona kay Kylie Verzosa bilang 2016 Miss International, nais niyang bigyan ng importansya ang kanyang advocacy na may kinalaman sa mental health.

Ayon sa 24-year old beauty queen na taga-Baguio City, laganap na ang problema sa mental health sa maraming Pinoy ngayon at iyon ang gusto niyang iparating sa marami para makahanap ng gamot para makontrol ito.

“My personal advocacy is mental health awareness which is very relevant to the Philippines today.

“Hindi tayo aware na maraming tao nagsa-suffer with mental health.

“Hindi dapat ito ipawalang-bahala.

“As part of winning the title, I want to push my advocacy to help every Filipino family to battle mental health,” diin pa niya.

Tutuparin din ni Kylie ang kanyang tungkulin bilang ambassadress of peace habang pinapalawak ang kanyang kaalaman tungkol sa ibang bansa at ang mga kultura nito.

May mensahe pa si Kylie sa mga aspiring beauty queens…

“Mag-aral kayo nang mabuti dahil ang beauty hindi lang sa physical but mental as well. Respect your parents and become a good person.”

Si Kylie ang ikaanim na Miss International ng Pilipinas. Unang napanalunan ang korona ni Gemma Cruz noong 1964. Nasundan ito nina Aurora Pijuan (1970), Melanie Marquez (1979), Precious Lara Quigaman (2005) and Bea Rose Santiago (2013).

Jennylyn at Mark pareho nang ulila

Marami ang nagsasabi na halos pareho ang naging kapalaran nina Jennylyn Mercado at Mark Herras sa mga taong nagpalaki at nag-alaga sa kanila.

Kapwa naulila na nga sina Jen at Mark sa mga taong tumayong mga magulang nila.

Noong nakaraang October 29 ay pumanaw na ang adoptive mother ni Jennylyn na si Mommy Lydia Mercado dahil sa sakit na sepsis at pneumonia.

Si Mommy Lydia ang kapatid ng tunay na ina ni Jen na si Jinkee Pineda.

Tumayong ina ni Jen si Mommy Lydia noong iwan ito ng kanyang tunay na ina sa kanyang stepfather na inabuso at sinaktan si Jen noong siya ay limang taong gulang lamang.

Simula noon ay si Mommy Lydia na ang kinilalang ina ni Jen hanggang sa mabigyan niya ito ng apo na si Alex Jazz.

Una nang pumanaw ang adoptive father ni Jen na si Daddy Roger noong August 19, 2008 dahil sa kumplikasyon dala ng diabetes.

Kakapanganak lang ni Jen noon kay Alex Jazz nang biglang itakbo sa ospital at mamaalam ang kanyang kinilalang ama.

Tulad nga ni Jen, kapwa wala na rin ang mga taong nagpalaki at kinilalang magulang ni Mark Herras.

Noong July 2014 ay pumanaw ang adoptive father ni Mark na si Daddy Jun Herras dahil sa sakit na diabetes. Nitong nakaraang October 7 lamang ay sumakabilang-buhay naman ang foster father niya na si Herminigildo Santos dahil sa cardiac arrest.

Sina Mark at Jennylyn ang mga unang winners ng reality artista search ng GMA-7 na Starstruck noong 2003.

Parehong na-feature na ang life story nila noon sa Magpakailanman.

Pen-Pineapple-Apple-Pen pasok sa Guinness World Records

Ang 45-second long na Japanese non-sense tune na Pen-Pineapple-Apple-Pen ay nakapasok na sa Guinness Book of World Records bilang “shortest song to break into the Billboard Hot 100”.

Na-view na ng higit sa 67 million times ang music video na ito sa YouTube since nag-viral ito noong nakaraang August 2016. Kabilang sa naging paborito ang Pen-Pineapple-Apple-Pen ay si Justin Bieber na nai-tweet pa ang kanyang “favorite video on the Internet”.

Na-surprise mismo ang bida ng video, ang Japanese comedian na si Pikotaro dahil naging popular agad ang video niya.

“I’m surprised by this sudden popularity. Without Justin’s impact, I think only four people would have showed up in this room,” ayon pa sa 53-year-old comedian noong tumanggap siya ng parangal mula sa Guinness.

Noong nakaraang linggo, nakapasok na sa US chart at number 77 ang Pen-Pineapple-Apple-Pen. Ito ang kauna-unahang pagkakataon in 26 years na isang Japanese singer ay nakapasok sa Billboard Hot 100.

Ni-reveal ni Pikotaro na ang ginastos lang niya sa paggawa ng video ay 100,000 yen ($950). Hindi niya alam na magiging global phenomenon ito.

“I just want to quickly release many fun songs,” sey pa niya.

Show comments