Diana hindi pa maka-move on sa Encantadia

MANILA, Philippines - Marami ang nagulat sa pagbabalik-Kapuso ni Diana Zubiri bilang si Lilasari sa iconic telefantasya na Encantadia. Bukod kasi sa kapapanganak pa lang ng aktres, hindi raw naisip ng netizens na muli pa siyang babalik sa pag-arte dahil sa tahimik at masayang family life nito.

Pero okinuwento ni Diana na ayaw pala talaga niyang mawala sa Encantadia kung saan tumatak ang kanyang karakter bilang si Danaya. “Noong time na sinabi na kung sino ‘yung mga Sang’gre, sinabi na rin ni Direk Mark sa ‘kin. Sobrang excited din ako kasi siyempre gusto ko pa ring maging part ako. Siyempre ayaw kong mawala roon. Malaking part din kasi ‘yon ng buhay ko before,” bulalas ni Diana.

Show comments