Naglalabas daw ng ilaw sa dilim Kakai Mama Mary ang tingin kay Charo!

Kulang na lang ay sambahin ni Kakai Bautista si Charo Santos-Concio na kasama niya sa pelikulang Ang Babaeng Humayo. As in araw-araw daw talaga ay nai-starstruck siya sa magaling na aktres at dating ABS-CBN President and CEO.

“Grabe, napaka-soft-spoken niya, parang laging may binabasang sulat,” say ni Kakai na ikinatawa ng lahat.

Hangang-hanga rin siya sa husay ni Charo sa pag-arte lalo na sa scene na nag-monologue ito. After the take ay tinatanong siya nang malumanay ng dati niyang boss kung kumusta ang eksena. Hindi raw talaga siya agad nakasagot at natulala na lang siya.

“Kasi parang. . .si Mama Mary ba ang bumaba sa lupa?” sey ni Kakai.

‘Pag tinatanong nga raw siya kung kumain na siya, parang hindi na niya maisubo ang kinakain niya.

Kwento ni Kakai, inilihim daw sa kanya ng produksyon na si Ma’am Charo ang makakasama niya. Nakita na lang daw niya ito sa shooting mismo sa Min­doro na naglalakad at gulat na gulat daw siya. Saka pa lang daw sinabi sa kanya na makakasama nga raw nila ito bilang bida ng pelikula.

Deskripsyon pa ni Kakai, sobrang humble raw talaga ni Charo. Naglalakad daw ito sa ulan at sa shooting ay wala silang standby area pero okay lang daw sa lady boss.

“Si Ma’am Charo po, sobra-sobrang humble, sobrang jologs na sosyal na hindi mo maintindihan at kahit ano na lang. Hindi siya ‘yung ‘o pengeng tissue’. Mas ako pa nga ang ganu’n,” natatawa pa niyang kwento.

Pero talaga raw napapanganga siya sa sobrang husay umarte ni Ma’m Charo sa movie at maitatanong mo raw sa sarili kung bakit ngayon lang ito gumawa ng pelikula.

“Tapos hindi mo naaano (napapansin) sa sarili mo na umiiyak ka na pala. Kasi sa sobrang lalim, sa sobrang husay ni Madam sa eksena na ‘yun, hindi ko nare-realize, tumutulo na pala ‘yung luha ko sa sobrang galing niya.

“Sobrang swerte na ang solid lahat, from the staff, from the artist, grabe. Saka si Ma’am Charo, wala talaga akong masabi. Talagang kulang na lang, belo. Umiilaw siya kahit ang dilim-dilim sa Mindoro. Grabe si Ma’am Charo, grabe itong pelikulang ito. Hay!” sey pa ni Kakai.

Nahingan ng reaksyon si Charo sa sinabi ni Kakai at malumanay niyang sabi, “wala na akong masabi”.

Showing na ngayong Sept. 28 ang Ang Babaeng Humayo produced by Cinema One Originals and Sine Olivia Pilipinas and distributed by Star Cinema.

Ayaw na magkamali, Jennylyn after 6 years pa gustong pakasal

Six years from now pa raw nakikita ni Jennylyn Mercado ang sarili na magpakasal. At 29 ay hindi pa rin daw siya nagmamadali at enjoy naman daw siya sa buhay niya ngayon with Jazz (her one and only son) as the center of her life.

“Unahin ko muna ang anak ko,” she said.

Basta ang masisiguro niya sa ngayon, hindi na niya uulitin ang dating pagkakamali na magkaanak nang hindi pa kasal at aniya, she has learned her lesson.

Hindi naman daw humihingi ng kasunod si Jazz dahil seloso raw ang bagets.

Asked kung hindi ba nagseselos si Jazz sa mga nagiging leading man niya, aniya ay hindi niya raw ito pinapanood ng mga show niya.

“Ang pinapanood niya lang, puro mga cartoons. Hindi siya nanoood ng TV, kahit mga soap. Mga movies lang na cartoons (ang pinapanood).

“Ayoko po kasi medyo violent ‘yung mga ginagawa ko, eh,” sey pa niya.

Pero pagdating sa status ng relasyon nila ni Dennis Trillo ay umiwas na si Jen na pag-usapan ito. Pero inamin naman niyang magkasama sila recently na nag-scuba diving sa Batangas para makiisa sa clean-up drive ng Philippine Coast Guard sa Mabini, Batangas.

“First time niyang sumama mag-scuba, gusto rin kasi niyang tumulong sa paglilinis ng dagat sa Mabini. Enjoy naman, nandoon din sina Gerald (Anderson) bilang part sila ng Coast Guard natin,” kuwento ni Jen.

Samantala, busy ngayon si Jen promoting her Ultimate album under Ivory Records na naglalaman ng 7 tracks including her carrier single, Hagdan and collaborations with Christian Bautista and Silent Sanctuary.

Show comments