Artist welfare isulong na komedyanteng si Joy Viado, inatake dahil sa kumplikasyon sa diabetes

Joy Viado

Minsan ay ginulat na tayo ng ko­medyanteng si Joy Viado nang humingi siya ng tulong sa lahat ng kanyang mga kaibigan dahil sa takot na maputol ang kanyang paa.

Nagsimula lang daw iyon sa kagat ng isang insekto, nakamot niya at nagsugat kaya lumala. Dahil iyon sa kanyang sakit na diabetes.

Noong Sabado ng gabi, ang kuwento ay med­yo hirap siyang huminga nang dumating sa kanilang tahanan galing sa bahay ng isang kaibigan. Isinugod siya sa ospital, pero hindi na rin umabot. Idineklara siyang dead on arrival, at sinasabing iyon ay dahil sa isang heart attack. Naniniwala kami na ang atakeng iyon ay dala na rin ng kanyang sakit na diabetes. Natural lang kasi sa isang diabetic na magkaroon rin ng mga heart attack, at iyan ay isang bagay na talagang pinag-iingatan.

Sumikat naman si Joy Viado sa maraming taon ng kanyang pagiging isang komedyante, pero kagaya nga ng madalas na­ming masabi, basta ang isang artista ay hindi naging headliner, o hindi naging bida, hindi rin naman malaki ang kita nila. Madalas nga, ang mga ganyang artista, ni walang kontrata iyan sa kanilang ginagawang mga pelikula. Binabayaran lang sila “per day”, dahil ni hindi nila alam kung hanggang saan ba ang ihahaba ng kanilang mga role.

Iyang naging buhay ni Joy Viado ay isang eye opener. Siguro nga kailangang maisulong na ang isang batas para sa “artists welfare”. May ganyan sa Amerika. May ganyan din sa iba pang mga mauunlad na bansa. Siguro kailangan na rin nating isipin iyan.

Mark naghahanap na ng lilipatang bahay

Napanood namin iyong unang paglabas ng male star na si Mark Neumann sa isang show ng GMA-7. Mahusay ang performance niya. Hindi naman maikakaila na kung mahusay man siya sa pag-arte, sigu­ro ay natuto naman siya dahil sa kanyang na­ging kara­nasan sa maraming project na ginawa niya sa TV5.

May panahon namang talagang binigyan siya ng push ng TV5, pero sa ngayon nga ay medyo nagpapalit ng format ang istasyon at kakaunti na ang mga entertainment programs nila.

Mas gusto kasi nilang makilala sila bilang isang news and sports station, at maganda naman ang nang­yayari sa kanila dahil doon. Bakit ka nga ba naman makikipagsabayan sa ibang istasyon ganoong puwede ka namang tumaas sa pagkakaroon ng au­dience na sarili mo lang.

Iyon ang dahilan kung bakit marami silang mga talent na nagsisimula nang huma­nap ng assignment sa ibang networks, kagaya nga niyang si Mark.

The end is near daw aktor na tinorotot ng misis gustong mag-suicide!

Nakaka-disturb ang mga social media post ng isang male star na nagbabantang malapit na niyang tapusin ang kanyang buhay matapos na siya ay iwanan ng kanyang asawa.

Mayroon pa siyang palagay na siya ay tinorotot ng misis niya. Pero hindi solusyon sa problema niya ang lagi niyang sinasabing “the end is near”.

Show comments