Kahit 50 na, Agot hindi pa rin handang maging ina!

Bagama’t foster mom sa two year old baby boy si Agot Isidro, wala raw siyang intension na ampunin ang bata permanently.

Feeling daw ni Agot, who turned 50 recently, hindi pa raw siya handa na maging full-time adopted mom.

Pero mahal daw niya ang baby na nasa ward ng CRIBs Foundation, na sinusuportahan ni Agot.

Eleven years din palang nagtagal ang pagsasama nila ng dating asawang si Manu Sendejas. Ikinasal sila year 2000 at naghiwalay noong 2011. Wala rin silang anak.

Ganun pa man, nanatili pa rin daw silang magkaibigan.

Mainstay si Agot sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Diego napag-iwanan ng mga kasama sa Pangako…

Tanong lang Salve A., bakit kaya waring nawawala sa eksena si Diego Loyzaga na dati rati naman ay laging may project sa ABS-CBN?

Kung sabagay, kahit ang kanyang inang si Teresa Loyzaga na huling nagpanood sa Pasion de Amor ay wala ring assignment.

‘Di kaya, bumalik muna ang mag-ina sa ibang bansa kung saan nakatira ang karamihan sa kanilang pamilya?

In the case of Diego, huli siyang napanood sa high rating series na Pangako Sa ‘Yo.

Well, heto at lahat halos ng kanyang mga kasamahan sa Pangako… ay naging busy kaagad.

Ang gumanap na kanyang ina sa Pangako… na si Jodi Sta. Maria ay nakagawa na ng movie, The Achy Breaky Heart kasama si Ian Veneracion na nasa serye rin.

Gagawa pa nga muli sila ng kani-kanyang project. Si Jodi ay sa isang pelikula na si Direk Erik Matti ang mamamahala. At si Ian naman ay kasama sa seryeng The Second Wife with Bea Alonzo at Iza Calzado.

Gumanap in a special role bilang pari si Ian sa finale ng top rating series, Dolce Amore, na nagkasal kina Liza Soberano (Serena) and Enrique Gil (Tenten).

Si Angelica Panganiban na nasa Pangako… rin ay muling makakapareha si Dingdong Dantes, kasama si Paulo Avelino sa The Unmarried Wife, directed by Maryo delos Reyes.

Gumanap na mag-asawa sina Angelica at Zanjoe sa One More Try, which also starred Angel Locsin at Zanjoe Marudo,

Ang mga bida naman ng Pangako Sa ‘Yo na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay magbibida sa bagong pelikula ng Star Cinema, ang Barcelona: A Love Untold, directed by Olive Lamasan.

Anne naghahanda na sa kasal ni Isabelle

Obvious na dinidibdib ni Anne Curtis  ang kanyang unang action movie na may title na Buy Bust, kung saan co-star niya ang action star na si Brandon Vera at directed by Erik Matti.

Hinahasa siya ng mga Scout Rangers sa Pikiti Tirsia Kali, a Pinoy combat-oriented style of martial arts.

Pero sabi ni Anne, “Unahin ko munang tapusin ‘yung movie ko with Dennis Trillo, Bakit Lahat Ng Guwapo, May Boyfriend bago ako mag-concentrate sa Buy Bust.”

In a week or two, though, Anne will need to excuse herself from her shooting for Bakit Lahat… and hosting stint in her daily noontime show, It’s Showtime, dahil a-attend sila ng boyfriend na si Erwan Heussaff sa kasal ni Isabelle Daza sa French boyfriend na si Adrien Semblatt na gaganapin sa France.

Baka two weeks lang daw sila mawawala ni Erwan, ani Anne.

Show comments