Hindi kasi nag-toothbrush, bibig ni Enchong naglasang bawang nang sunggaban ni Kiray
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - June 11, 2016 - 12:00am

Nasarapan ako sa siomai na dinala ng nanay ni Kiray Celis sa presscon kahapon ng I Love You To Death.

Expert ang madir ni Kiray sa pagluluto ng siomai at ito rin ang madalas na dalhin niya sa set ng I Love You To Death.

Maraming sangkap na bawang ang siomai na gawa ng nanay ni Kiray at pinatotohanan ito ni Enchong Dee na hindi nag-tootbrush sa kissing scene nila ni Kiray kaya nalasahan nito ang bawang.

Isang horror comedy movie ang I Love You To Death na ikinumpara ni Kiray sa Heneral Luna.

Ang sey ni Kiray, maganda ang pelikula nila ni Enchong. Sure daw siya na marami ang manonood ng I Love You To Death dahil sa word of mouth.

Inihalintulad ni Kiray ang I Love You To Death sa blockbuster movie na Heneral Luna na hindi masyadong maingay ang trailer pero pinilahan sa takilya dahil kumalat ang balita na maganda ang kuwento ng pelikula.

Heart at Chiz todo-rampa sa Vietnam

Pahinga muna si Heart Evangelista sa taping ng Juan Happy Love Story dahil nagbabakasyon sila sa Vietnam ng kanyang mister na si Senator Francis Escudero.

Pang-Asian country muna ang mag-asawa dahil hindi sila puwedeng bumiyahe sa malalayong lugar. Kailangan ni Heart na bumalik agad sa Pilipinas dahil may tapings siya para sa teleserye nila ni Dennis Trillo.

Ang bakasyon sa Vietnam ang first out of the country ng Escudero couple pagkatapos ng eleksyon noong May 9, 2016. Nagbakasyon din sila sa Balesin Island dahil sa birthday treat nila sa nanay ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco.

Mga artistang durugista papangalangan na ni Pres. Duterte                 

Headline kagabi sa mga news program ang mga showbiz persona­lity na diumano’y  sangkot sa illegal drugs.

Ibibigay ng PDEA kay incoming President Rodrigo Duterte ang mga pangalan ng mga suspect. Nakakaintrigang malaman ang mga pangalan ng mga showbiz personality na involved ‘ha?

Dapat matakot ang mga personalidad na tinutukoy ng PDEA dahil baka pangalanan sila ni Papa Rody. Mas kahiya-hiya kung ibubulgar ni Papa Rody sa publiko ang names ng mga celebrity na patuloy sa paggamit ng mga ipinagbabawal na droga.

Pero hindi raw malala Sarah may sakit!

Medical reasons ang ibinigay na dahilan ni Sarah Geronimo kaya hindi ito nakadalo sa isang big musical event.

Pero sinabi ng aking favorite singer-actress na walang dapat ipag-alala ang kanyang mga tagahanga dahil okey na okey na ang pakiramdam niya.

Bihira nang mapanood sa TV si Sarah dahil hindi niya tinanggap ang The Voice Kids. Tuwing Linggo na lamang siya napapanood sa ASAP.

Hindi man siya bahagi ngayon ng The Voice Kids, happy si Sarah dahil si Sharon Cuneta ang ipinalit sa kanya. Napapanood ni Sarah ang show at  kanyang nakikita  na nag-e-enjoy nang todo ang Megastar  sa talent search program na nami-miss niya.

 

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES MARINE BIODIVERSITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with