^

Pang Movies

Jaclyn pagkain ng fishballs ang ipinanalo sa Cannes

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

“No, hindi na kailangan ang motorcade, sapat na ang warm welcome sa akin ng mga Kapuso, mula pa sa guards sa gate hanggang dito sa presscon.  Narito ang mga TV executives, sina Ms. Lilybeth Rasonable, si Ms. Redgie Magno at kayo, sapat na iyon sa akin.”

Ito ang sagot ni Ms. Jaclyn Jose, ang una at only Filipina at Southeast Asian actress na nanalo sa katatapos na 69th Cannes International Film Festival sa France, sa pelikulang Ma’Rosa, nang tanungin siya kung papayag siyang mag-motorcade para malaman ng mga kapwa Pilipino ang napakalaking achievement na naibigay niya sa bansang Pilipinas.

Samantala, parang walang kapaguran si Jaclyn na umalis ng France Monday afternoon at Tuesday evening siya dumating sa bansa, at diretso sa GMA Network para sa launch cum presscon ng bago niyang sitcom na A1 Ko Sa ‘Yo.  Dala-dala ni Jaclyn ang pinanalunan niyang trophy, ang napakagandang Palme d’or Chopard trophy.

Naikuwento ni Jaclyn ang mga nangyari during the awards night, pero alam ba ninyong muntik na pala siyang mag-back-out sa Ma’Rosa dahil gusto ni Direk Brillante Mendoza na magpapayat siya?  Palitan na raw lamang siya dahil ayaw niyang magpapayat dahil masarap kumain.  Binalikan daw siya ni Direk Brillante at nagawa rin ang movie.

Natanong si Jaclyn kung ano iyong isang eksena na siya raw nagustuhan ng mga juror at ikinapanalo niya?

“Alam mo naman si Brillante, ayaw niya nang umaarte ka, kaya kinalimutan kong lahat ang alam ko sa acting, ginawa ko kung ano ang character na ginagampanan ko, kaya alam ko ang eksenang iyon na ginawa ko, iyong kumakain ng fishball, it’s from my heart.  Kaya nagpapasalamat ako sa mga pagbubunyi, sana mai-share namin ito sa inyo, panoorin ninyo ang Ma’Rosa na baka pumayag si Direk Brillante na ipalabas sa Metro Manila Film Festival (MMFF).”

Pumayag kaya ang mga gusto nang mapanood ang Ma’Rosa na maghintay pa hanggang sa December?  O tuloy ba ang festival sa December?

Sid hindi nagpatalbog sa kanyang Tita

Masaya ang cast ng The Millio­naire’s Wife dahil bukod kay Jaclyn Jose na gumaganap bilang si Stella sa afternoon primetime na bida si Andrea Torres, winner din si Sid Lucero sa katatapos na 19th Los Angeles Comedy Festival sa pagganap niya sa comedy-drama na Toto.

Si Sid ay bale nephew ni Jaclyn, kapatid ng anak niyang si Andi, dahil anak ito ng dating boyfriend niyang si Mark Gil, na isa ring mahusay na actor.  Tulad ni Andi, first time din lamang nakatrabaho ni Jaclyn si Sid sa serye.

Napapanood ang The Millionaire’s Wife araw-araw after ng Hanggang Makita Kang Muli.

Personal…

Condolence to the family of Dr. Felixberto Arayata.  His remains lie in state at his residence at San Pedro St., Tanza, Cavite. Internment today, May 26, 2:30 p.m. at Tanza Cemetery, Tanza, Cavite.

vuukle comment

ANDY MURRAY

FRENCH OPEN

ROLAND GARROS

TENNIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with