Jaclyn ka-level na sina Meryl Streep at Julian Moore

MANILA, Philippines - Award winning actress naman si Jaclyn Jose pero malaking parangal itong sa Cannes at first time yata sa isang Pilipino na magwagi doon. Nagbubunyi ang bawat Kapuso sa pagkapanalo ng magaling na aktres na si Jaclyn Jose sa Cannes International Film Festival 2016. Si Jaclyn ang kauna-unahang Filipina actress na tinanghal na Best Actress sa prestihiyosong award giving body. Ka-level na ni Jaclyn ang ilang awardees gaya nina Meryl Streep (1989),  Julian Moore (2014) at iba pang international actress. 

Samantala, nakatakdang bumalik ang aktres bukas para ituloy ang kanyang commitments sa kanyang mga proyekto sa Kapuso Network.

Kris naka-relate sa mga may kapansanan

Makabuluhang ipinagdiwang ni Kris Bernal ang kanyang ika-27th birthday dahil imbes na magarbong party ay ipinagdiwang niya ito kasama ang mga bata at magulang mula sa Rehabilitation and Empowerment of Adults and Children with Handicap (REACH) Foundation.

Tsika ni Kris, may importante siyang natutunan sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan. “Alam ko yung life nila eh. Mas naiintindihan ko sila, alam ko yung feeling nila. Kumbaga, parang nagkatawang tao ako sa kanila eh. Ang saya-saya nila sa notebook, ang saya-saya nila sa spaghetti. Sana ganun din ako maka-appreciate ng maliliit at simple na bagay, pagbabahagi ng magandang aktres.”

Kapatid ni Maine umeeksena na rin

Habang nasa ibang bansa ang Dubsmash Queen na si Maine Mendoza, umeeksena naman ang kanyang kapatid na lalaki na si Dean Mendoza sa TV. Kahapon nga ay lumabas si Dean sa programang Sunday PinaSaya at nag-trend pa sa Twitter. Ito na kaya ang umpisa ng pagsho-showbiz ng kapatid ni Maine?

Solenn kayod agad

Kahit katatapos lamang ng kasal ng Kapuso aktres na si Solenn Heussaff, naghahanda na siya sa kanyang pagbabalik bansa sa mga susunod na araw. Maliban kasi sa kanyang show na Taste Buddies sa GMA News TV ay kabilang pa siya sa engrandeng series na Encantadia at ang upcoming sexy comedy program na A1 Ko Sa’yo.

Winwyn itsapwera Mark si Megan ang bagong makakasama

Hindi na nakapagtataka kung kainggitan ng mga kalalakihan itong si Kapuso actor Mark Herras. Tila kasi hindi lamang sa tunay na buhay malapit si Mark sa mga beauty queen dahil kahit sa trabaho, beauty queen pa rin ang nakakasama niya.

Kasisimula pa lang mag-shoot ng Bad Boy ng Dance Floor kasama ang kapwa Starstruck alumni at Ms. World 2013 na si Megan Young.

Ang dalawa ang napapabalitang bibida sa bagong GMA News and Public Affairs show na Conan My Beautician.

Promising ang love team nina Mark at Megan dahil ito ang unang pagkakataon na magkakasama ang dalawa para sa isang proyekto. Huling napanood si Mark sa Little Nanay samantalang si Megan naman ay pina-ibig ang mga viewers sa remake ng Marimar. 

 

Show comments