Nagpapa-bad vibes daw Regine Isinusumpa na ang pagda-drama!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - February 5, 2016 - 9:00am

“Ready na akong mag-soap ulit,” sagot ni Regine Velasquez-Alcasid nang tanungin namin kung kailan ba siya muling mapapanood sa isang serye sa GMA 7 na isa sa stipulated sa contract niya nang mag-renew siya sa kanyang home network. “Hindi ko pa alam kung sinu-sino ang makakasama ko, pero isang romantic-comedy ito, ayaw ko ng drama, ma­sakit sa dibdib. Tatapusin ko lamang ang Valentine concert kong Royals (with Martin Nievera, Angeline Quinto, at Erik Santos sa SM Mall of Asia sa February 13 at sa Cebu sa February 14), magsisimula na akong mag-taping. Excited na rin ako dahil last ko pang serye ang I Heart You, Pare noong 2011.”

Matatandaan na sinimulan ni Regine ang taping ng rom-com series with Dingdong Dantes after nilang ikasal ng asawang si Ogie Alcasid. Kahit noong nag-conceive na siya sa anak na si Nate, tuloy pa rin siya sa pagti-taping pero nang binawalan na siya ng doctor na magtrabaho, huminto na siya at pinalitan siya ni Iza Calzado. Pagkatapos noon hanggang sa magsilang si Regine, hindi na muna siya tumanggap ng assignment sa GMA. First pa rin sa kanya ang pagpapalaki kay Nate.

Four years old na raw si Nate, kaya puwede na siyang magtrabahong muli at may manonood at magku-comment na sa kanyang gagawin dahil mahilig manood ng TV ang anak. Poor Senorita ang title ng bagong serye ni Regine kung saan makakasama niya sina Mikael Daez, Sheena Halili, Jaya, Ervic Vijandre, Jillian Ward, Kevin Santos, Valeen Montenegro, Miggs Cuaderno, Zymic Jaranilla, Caprice Cayetano, at Snooky Serna.

Si Dominic Zapata ang director at mapapanood ang serye simula sa March.

Tito Sen bawal na Alden at Maine mawawalan na ng tagapagtanggol

Ngayong Sabado na ang last day ni Senator Tito Sotto sa Eat Bulaga. Bawal na sa mga kandidato sa darating na eleksyon ang mapanood sa TV o sa movie maliban kung ang programang tatalakayin ay mga usapin tungkol sa pulitika. Ang susunod na mawawala sa show ay si Anjo Yllana na kandidato namang konsehal sa Quezon City.

Kaya biruan kahapon sa kalyeserye ng Eat Bulaga, mawawala na ang number one fan ng Alden Richards-Maine “Yaya Dub” Mendoza love team na tagapagtanggol nila kapag pinagagalitan ni Lola Nidora (Wally Bayola).

Anyways, congratulations kina Alden at Maine dahil sunud-sunod na naman ang launch ng mga bago nilang endorsements. No wonder na sabi ng mga naka­kaalam sa kinikita nila, hindi kataka-taka kung sabay silang bumili ng mga bagong sasakyan. Ngayong araw ilu-launch muli sa Eat Bulaga ang bagong TVC ng instant noodles.

ACIRC ALDEN RICHARDS-MAINE ANG ANGELINE QUINTO ANJO YLLANA EAT BULAGA NATE NBSP QUOT SIYA STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with