JM ipinasok raw uli sa rehab?!
- Vinia Vivar (Pang-masa) - February 2, 2016 - 9:00am

Sa presscon kahapon ng Tandem ay natanong ang bidang si Nico Antonio tungkol sa issue ng ina niyang si Atty. Joji Alonzo regarding Metro Manila Film Festival controversy.

Wala kasi sa presscon ang ina niya na siya ring producer ng Tandem kaya si Nico na lang ang natanong kung ano reaksyon niya na nadawit ang mommy niya sa kontrobersiya.

“‘Yung mga issue niya sa MMFF, hindi niya ako isinasama do’n kasi nga sabi niya sa akin, “this is my personal battle and I don’t want my family to be involved in it”. So ‘yun,” say ni Nico.

Samantala, isa rin si JM de Guzman sa bida ng Tandem na kasama sa MMFF New Wave category last December kung saan ay ang aktor pa ang nagwaging Best Actor.

Sayang nga at wala siya sa presscon dahil hindi naman kaila sa lahat ang nangyari sa kanya at ang tsika nga ay kasalukuyan itong nasa rehab at nagpapagamot.

Ayon kay Nico ay wala naman daw silang naging problema kay JM habang ginagawa nila ang movie at ganundin ang pahayag ng direktor na si King Palisoc.

Ang isa pang cast na si Rochelle Pangilinan ay sinabi namang ngayon lang daw niya nalaman ang nangyari kay JM.

“Hindi ko po talaga alam. Actually, nanghihinayang ako, nakakalungkot kung ganu’n nga talaga ang nangyari. At alam ko naman na pagdadasal ko rin na makabangon siya at makabalik agad,” say ni Rochelle na umaming naging fan daw siya ni Nico nang mapanood niya ang pelikula dahil sobrang husay daw dito ng aktor.

Anyway, kahit wala si JM sa presscon ay tumutulong pa rin naman ito sa promotion ng kanilang pelikula dahil nag-post ito ng poster ng Tandem sa kanyang social media account.

Showing na sa Feb. 17 ang Tandem mula sa Quantum Films, Tuko Film Production at Buchi Boy Films.

Kasama rin sa movie sina Elora Espano, Allan Paule, Paolo O’Hara, BJ Forbes, Karl Medina and Dennis Marasigan.

Mariel nainggit Robin lumuwa ang mata sa pole dancer!

Kaaliw ang tweet ni Mariel Rodriguez-Padilla habang nanonood ng Pilipinas Got Talent Season 5 last Sunday kung saan ay isa nga sa judges ang mister niyang si Robin Padilla.

Nag-react si Mariel nang ang nagpe-perform na ay ang pole dancer na si Celine Venaryo dahil ilang beses nga naman kasing nakunan ng camera na titig na titig si Binoe at parang nabighani pa sa contestant.

“Naku, masusubok na naman ang asawa ko he he he he, pole dancing pala!!! #PGTHanepSaGaling”, unang tweet ni Mariel.

Sinundan pa niya ito ng isa pang tweet. “Mag enroll ako ng pole dancing bukas promise! #PGT5HanepSaGaling.”

Isa pa niyang tweet, “Don’t worry guys, okay pa ang TV namin dito sa bahay. Ha, ha, ha cute #PrayForMarielsTV ha ha #PGT5HanepSaGaling.”

Parang may tonong pagseselos ang mga tweets ni Mariel kaya tinext siya ng kasamang si Reggee Bonoan at tinanong kung seryoso ba talaga ito sa kanyang mga tweets.

“Ha, ha, joke time lang ‘yun! Hindi ako nagseselos, natutuwa nga ako sa PGT, eh. That’s just for fun. Mas­yado nang malalim ang marriage namin ni Robin para magselos sa mga bagay na ganu’n. Mabait at mabuting asawa si Robin,” text ni Mariel.

When asked kung totoong mag-i-enroll siya ng pole dancing, sagot na naman ng bagong co-host ng It’s Showtime, “hindi pa naman, nag-a-adjust pa ako sa schedule ng It’s Showtime, doon ako naka-focus (kaya) wala munang extra-curricular activities like learning pole dancing.

“But before when we were still living in Fairview, I was really interested, we even had a pole installed in our gym, but I couldn’t find a teacher that would teach me at home,”

Ano naman ang masasabi niya sa reaksyon ni Robin sa pole dancer na sobrang nabighani siya ng husto?

“Cute (ang) reaction ni Robin, nakakatawa,” sabi ni Mariel.

Coco palumpalo ang pagrampa bilang Paloma

Umabot sa 45.9% ang ratings ng Ang Probinsiyano last Feb. 1 base sa datos ng Kantar Media and so far, ito na ang pinakamataas ever na ratings ng serye mula noong umere ito last year.

Talaga namang tinutukan ng mga manonood ang eksena kung saan rumampa si Cardo (Coco Martin) bilang Paloma upang mahuli ang lider ng sindikato na si Olga (Gina Pareño).

Talaga namang napakaganda ng nasabing episode. Hitik na hitik sa aksyon ang nasabing episode at matitindi ang fight scenes to the point na lumangoy pa sa dagat si Cardo.

Sa pagpapatuloy ng kanyang misyon, hahabulin ni Cardo ang yate na kinalalagyan ni Carmen (Bela Padilla) at babanggain ang mga bandidong dumakip sa kanya.

ACIRC AKO ALLAN PAULE ANG ANG PROBINSIYANO MARIEL NAMAN NBSP NICO NIYA POLE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with