^

KC magnenegosyo muna, career binuburo ng Kapamilya?!

Jun Nardo (Pang-masa) - January 20, 2016 - 9:00am

Inaasikaso muna ni KC Concepcion ang bubuksang negosyo habang wala pang regular na programa. Kesa naman matengga na naman siya ng buong taon, gusto niyang magkaroon ng sariling pagkaabalahan.

Wala mang binanggit kung anong negosyo ang itatayo, ipinasilip naman ni KC sa kanyang Instagram kung anong business ‘yon. Agad naman bumuhos ang suporta sa kanyang followers na excited din sa papasuking mundo ng idolo.

Pero kung wala pang show sa Channel 2, puwede naman si KC sa TV5, huh! Sayang naman si KC kung muli na naman siyang matetengga, ‘no?

Habang super deny si Solenn…

Kean at Chynna pakakasal sa simbahan

Magkakaroon pa rin daw ng kasal sa simbahan sina Chynna Ortaleza at Kean Cipriano na ikinasal din bago matapos ang 2015. Pero kung si Solenn Heussaf ay dinenay na nagpakasal na sa boyfriend an Argentinian, hindi naman siguro gagawin ni Kean ‘yon, huh!

Puwedeng maintindihan ang denial ni Solenn dahil baka may provision sa mga endorsement na pinirmahan na hindi siya puwedeng pakasal sa duration ng contract, huh!

Pero kapag dinenay ng singer-actor ang kasal kay Chynna, ay baka maimbyerna sa kanya ang pa­rents ng asawa niya, huh!

Anyway, bago lumabas ang balitang kasalan, magkasama pa sina Solenn at Kean sa pelikulang Love is Blind ng Regal Films, huh!

Roderick Paulate sinipa sa konseho ng Ombudsman

Kaloka naman ang kalalabas na balita kahapon na dinismis ng Ombudsman sa serbisyo si Konsehal Roderick Paulate, pati na ang kapwa konsehal na si Boy Calalay, huh!

Ayon sa report, may kinalaman sa kasong kinakaharap ng dalawa sa pagkakaroon ng “ghost employees” ang dahilan ng pagsipa sa kanila ng Ombudsman.

Akala namin ay tapos na ang kasong ito ni Kon. Dick. On-going pa pala at nauwi rin pala sa pagpapatanggal sa kanya ang resulta.

Eh, itong May election, konsehal pa rin ang target na posisyon ni Kon. Roderick.                         

Kapatid ni Alden, may diploma na

Magtatapos na ng college degree ang younger sister ni Alden Richards na si Riza Faulkerson. Sa post ni Riza sa Instagram account niya na inilabas ng GMA News, handog daw niya sa Kuya Alden niya ang college degree na kanyang tatanggapin.

Ang kursong Human Resource Development Management ang kinuha ng kapatid ni Alden. Naglabas siya ng fans sign na, “For my family lalo na sayo Kuya!”

ACIRC ALDEN RICHARDS ANG BOY CALALAY CHYNNA CHYNNA ORTALEZA KEAN NAMAN NBSP PERO SOLENN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with