Desisyon ni Ciara na maging pribado ang pinagdaraanan, dapat igalang!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - January 16, 2016 - 9:00am

Nalungkot naman kami doon sa balitang hiwalay na si Ciara Sotto sa kanyang mister. Isa si Ciara sa mga ar­tistang naging malapit din sa amin, at alam naming mabait na bata ‘yan. Wala naman siyang sinasabing dahilan ng paghihiwalay nila. Sinabi lang niya na totoong hiwalay na sila at nag-desisyon siyang magbalik sa bahay ng kanyang mga magulang, kasama ang kanyang anak.

Knowing Ciara, hindi naman siguro aabot sa ganyan ang kanyang desisyon kung walang mabigat na dahilan. Pero gusto naming igalang ang kanyang desisyon na panatiliing pribado na lamang kung ano man ang mga problemang iyon. Siguro may mga maririnig din kayong dahilan mula sa ibang mga ko­lumnista, pero mahirap agad paniwalaan.

Masakit ang mahiwalay at tumayong isang single parent, lalo na para sa isang kagaya ni Ciara. Alam natin kung papaano siya pinalaki ng kanyang mga magulang. Dahil siya ang bunso, favorite girl iyan sa pamilya nila.

In fact, hanggang sa mag-asawa si Ciara, ang tingin nga ng mga magulang niya ay masyadong bata pa siya. Baby pa siya. Kaya more or less alam ninyo ang treatment sa kanya kung ganoon.

Pero sinasabi nga “everything happens for a reason”. Hindi puwedeng ang isang bagay ay mangyari nang ganoon lang. Baka naman ang pangyayaring iyan ay mas makapagbibigay kay Ciara ng katatagan sa buhay. Baka naman makakatulong iyan sa kanya para gumawa ng mas makabuluhang desisyon in the future.

Kasabihan na nga rin na iyong magkamali ka, nangyari iyon by chance. Iyong maulit pa ang pagkakamali mo, iyon ay by choice na. Sana nga mas maging matatag si Ciara.

MMFF committee malabong mabuwag

Kahit na sinasabi pa ng ilang congressmen na nakita nilang nagkamali nga ang committees sa kanilang management ng MMFF, at gusto nilang buwagin ang mga committee na iyon, parang malabong mang­yayari iyan hanggang walang naipapasang batas na nag-aamyenda sa executive order na ginawa ni Tita Cory Aquino kaya nagkaganyan-ganyan iyan. Ang Exe­cutive Order na iyon ang naglagay diyan sa MMFF sa ilalim ng pamamahala ng MMDA.

Ilang araw na lang ang nalalabi sa termino ng mga congressmen na iyan, papaano pa sila makagagawa ng amyenda sa batas?

Isa pa, lulusot pa ba iyon sa senado. Kung mabilis mang makalusot sa kanila, hindi kaya i-veto rin iyon ni PNoy? Kaya iyang usapan sa MMFF, nagsimula iyan sa imbestigasyon at doon na rin iyan matatapos.

Sex video ng mga artista, marami pang susunod!

Nagsimula lang iyon sa isa naming blind item, nang may magkuwento sa amin na nakapanood ng isang scandal video. Aba ang kasunod na nari­nig namin ay kumalat na pala. Masyadong personal ang video. Maliwanag na ang actor na Joross Gamboa ay “nag-showtime” lang para sa isang kaibigan. Ewan naman kung bakit may nagkalat pa noon.

Sabi ng aming mga source, matagal na raw ang nasabing video, in fact matagal na raw nilang nakita iyan sa internet.

Hindi rin nila alam kung saan nanggaling. Sinasabi pa nilang hindi lang iisa ang video, marami pa raw ibang mga artistang may scandal din.

Ibig sabihin, kung may nakatuklas na niyang ganyang video, marami pang susunod na lalabas.

ACIRC ANG ANG EXE CIARA CIARA SOTTO ISA IYAN IYON JOROSS GAMBOA KUNG MGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with