Fifty Shades of Grey, humakot ng pinakamaraming nominasyon sa papangitan ng pelikula sa US
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - January 14, 2016 - 9:00am

Ang pelikulang Fifty Shades of Grey ang nakakuha ng anim na nominations sa taunang Razzie Awards.

Ang Razzie Awards ay nagbibigay ng award sa mga worst films at worst performances ng nakaraang taon.

Nakuha nga ng Fifty Shades of Grey ang nominations for Worst Picture, Worst Actor (Dornan), Worst Actress (Johnson), Worst Director (Sam Taylor-Johnson), Worst Screen Combo (Dornan and Johnson together), and Worst Screenplay.

Makakalaban nito sa Worst Picture ay apat pang pelikula na Fantastic Four, Paul Blart: Mall Cop 2, Jupiter Ascending and Pixels.

Makakalaban naman ni Jamie Dornan for Worst Actor ay sina Johnny Depp (Mortecai); Kevin James (Paul Blart Mall Cop 2); Adam Sandler (The Cobbler and Pixels) at Channing Tatum (Jupiter Ascending).

Sa Worst Actress, makakalaban ni Dakota Johnson sina Katherin Heigl (Home Sweet Hell); Mila Kunis (Jupiter Ascending); Jennifer Lopez (The Boy Next Door ) at Gwyneth Paltrow (Mortecai).

Kiko tuloy ang ‘relasyon’ kay Kim

Nabuwag na ba ang loveteam nila Kiko Estrada at Kim Rodriguez?

Dalawang beses ngang nagtambal sina Kiko at Kim sa teleserye na Strawberry Lane at My Mother’s Secret ng GMA 7.

Pero heto at magiging ka-love triangle na si Kiko ng loveteam nila Andre Paras at Barbie Forteza sa aabangan na primetime teleserye na That’s My Amboy.

Ni-recall nga ni Kiko na ang unang TV show niya na Reel Love Presents Tween Hearts, love triangle siya sa tambalang Barbie Forteza at Joshua Dionisio.

“Matagal ko ring hindi nakatrabaho si Barbie at nakakatuwa na ako ang napili para sa role na Patrick Almeda,” ngiti pa ni Kiko.

Tungkol naman sa paghiwalay nila ng kanyang ka-loveteam na si Kim, sinabi ni Kiko na magkahiwalay lang sila sa mga projects sa Kapuso network.

 “I think may gagawin si Kim na iba rin ang leading man niya.

 “Sa mga shows lang kami hiwalay. Nagkikita naman kami ni Kim almost every day,” sabay tawa niya.

Migo matutupad ang gusto kay Eugene

First time na magiging guest sa Celebrity Bluff ang Ultimate Male and Female Survivor ng Starstruck 6 na sina Migo Adecer at Klea Pineda.

Simula noong manalo sila last year, sunud-sunod na ang mga guestings nila.

Isa nga ang Celebrity Bluff sa gusto nilang salihan dahil bukod sa maraming makukunan ng mga importanteng impormasyon, bonus pa ang pagpapatawa ng Gangnam Crew nila Antonietta, Boobay, at Jerald Napoles.

Makakasama pa nila Klea at Migo ang ibang players ngayong Sabado na sina Janno Gibbs at anak na si Alyssa Gibbs. At ang Kapuso girls na sina Louise delos Reyes at Gabbi Garcia

ACIRC ALIGN ANG BARBIE FORTEZA CELEBRITY BLUFF JUPITER ASCENDING KIKO LEFT QUOT STRONG WORST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with