Yaya Dub dinidiskartehan ng anak ni Erap?!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - January 9, 2016 - 9:00am

Game na game si Jake Ejercito, ang panganay na anak ni former President and now Manila Mayor Joseph Estrada kay Laarni Enriquez nang siya ang mag-appear bilang si Jake, ang kaklase ni Yaya Dub sa kalyeserye ng Eat Bulaga kahapon.

Kung noong una ay para raw may tinik sa dibdib ang mga host na sina Sen. Tito Sotto at Allan K, kung sino si Jake na pupuntahan si Yaya Dub sa bahay nito, nabunutan daw sila ng tinik nang isang beki ang dumating na Jake, pero sabi ni Yaya dalawa raw ang Jake na kaklase niya, iyong beking si Jake number one at may Jake number two na darating kaya medyo worried na naman ang Dabarkads.

Madali namang nalinawan sina Tito Sen nang pagpasok ni Jake (Ejercito) ay sinabi na niya sa tatlong lolas na hindi siya nanliligaw kay Yaya dahil may girlfriend siya na nasa London at sa Monday, babalik na siya sa Singapore para ipagpatuloy ang master’s niya roon.

Ininterview agad ng mga lola si Jake na ang favorite color daw nito ay red, at mahilig ding kumain ng isaw at barbecue, tulad ni Alden Richards.

Hindi raw siya marunong kumanta, sabi ni Tito Sen, ipakanta ni Yaya kay Jake ang Kahit Na Magtiis (ang favorite song ng daddy ni Jake), alam daw niya pero hindi niya alam kantahin.  Kaya pinakanta na lamang siya at dubsmash na lamang kahit hindi niya alam ang lyrics ng Just Once.  Sumabay din siyang kumanta ng Macho Gwapito with the lolas.

Nanghinayang naman si Jake na hindi sila nag-meet ni Alden na lagi raw ikinu-kuwento ni Divina sa kanya, pwedeng-pwede raw sumali si Alden sa negosyong itinatayo nila ni Divina para makatulong sa maraming tao.  Nagpaalam na si Jake dahil paalis na siya sa Monday papuntang Singapore.  Pabalik naman si Alden sa kalyeserye sa Monday, na Saturday evening na nakabalik from Doha, Qatar.  Bago umalis si Jake, game siyang sumayaw ng Dessert kasama ng mga lolas at Yaya.

Direk Maryo hindi pa kayang magkwento tungkol kay Kuya Germs

Marami talagang naapektuhan sa industriya ng pagyao ni German “Kuya Germs” Moreno.

Sa presscon ng Wish I May, tinanong si Direk Maryo J. delos Reyes (manager ng bidang si Miguel Tanfelix), tungkol kay Kuya Germs pero ayaw niyang magpa-interview dahil naiiyak na siya.  Sabi niya sa mga nagtatanong sa kanya, gusto raw niyang ikuwento ang lahat-lahat ng mga pinagsamahan nila ni Kuya Germs, simula pa noon, na una niyang nakilala si Nora Aunor kapag okey na siya.

Sa ngayon daw, hindi pa niya kayang magkuwento dahil nagiging emotional siya.

Ang young actor na si Prince Villanueva naman na latest discovery ni Kuya Germs in 2015, ay umiiyak na nagsabi sa presscon na inio-offer niya sa kanyang mentor at inspiration ang bago niyang drama series na gumaganap siyang isa sa mga admirers ng bidang si Bianca Umali.  Hindi raw niya sasayangin ang mga payo at suportang ibinigay sa kanya ng Master Showman.

ALDEN RICHARDS ALLAN K ANG BIANCA UMALI HINDI JAKE KUYA GERMS NIYA SIYA TITO SEN YAYA DUB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with