Bitter kay Vice?! AlDub wa nang paki sa resulta ng MMFF!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - January 7, 2016 - 9:00am

Wala na raw excited malaman kung sino talaga ang nanguna sa box-office ng Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil may nag-claim na nito at hindi na nakapaghintay sa official announcement ng executive committee. 

Text nga ng isang AlDub fan, “mas excited pa yata ang buong mundo na malaman kung sino si Jake sa kalyeserye ng Eat Bulaga kaysa malaman ang resulta sa nangyari sa MMFF.”

Ang sinasabi ng fan ay ang tampuhan sa kalyeserye nina Alden Richards na tumawag sa telepono from Dubai noong Wednesday kay Yaya Dub (Maine Mendoza) dahil sa Jake na kaklase raw ni Yaya. 

Wala pang ipinakikilala kung sino si Jake kaya sabik ang fans na malaman kung totoo ba siya o imaginary character lamang? 

May mga nagalit namang fans sa mga writer ng serye dahil ayaw nilang nag-aaway sina Alden at Yaya Dub.

To appease the fans, inilabas ng EB ang palitan ng text messages nina Alden at Maine pagdating pa lamang ni Tisoy sa Dubai. 

“Dubai na, jetlag, aga ko nagising.  Good morning Meng.” 

Meng: “Good morning, ingat ka dyan.” Alden: “thank you, kaw din. Kamusta shoot mo kahapon? Ano oras ka nakauwi?”

Meng: “Okay naman.  12mn ako natapos mga 12:10 nasa bahay na ako.  Ikaw? Anong ganap mo diyan today?”

Alden:”wala pa naman, ikot-ikot lang muna.  Barangay ka na?”

Meng: “Biyahe pa kami pa-Muntinlupa.  Kumain ka na?”

Alden: “Hindi pa, ikaw?” 

So, hayan, read between the lines na lang, AlDub Nation. Iba ang acting sa totoong buhay, ‘di ba?

Nagkaroon ng chance si Alden na makapasyal, dahil first time lamang niyang makapunta ng Dubai. 

Nag-ice skate siya sa Dubai Ski, dinala rin sila sa Dubai Desert Safari. At nagkaroon din ng chance si Alden na makapahinga nang matagal-tagal bago ginanap ang show kagabi.

Kasalang Sergio-Marimar, live kaya?

Gawin din kayang kasing-special ang kasal nina Sergio (Tom Rodriguez) at MariMar (Megan Young) sa pagtatapos ng MariMar mamayang gabi, tulad ng parang totoong kasal noon nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na live na napanood ng mga televiewers mula sa San Agustin Church sa Manila eight years ago? 

Mapapanood ito pagkatapos ng 24 Oras sa GMA 7.

Pagiging kikay ni Carla, nag-klik

Gustung-gusto ng mga televiewers ng Because of You soap nina Gabby Concepcion at Carla Abellana ang kikay character ng actress. 

Klik na klik ito sa mga netizens na puring-puri ang husay ni Carla, ibang-iba sa mga dating characters na nagawa na nito.

ACIRC ALDEN ALDEN RICHARDS ALIGN ANG DUBAI LEFT NBSP QUOT STRONG YAYA DUB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with