4th Impact tsitsikahin ni Jessica
(Pang-masa) - December 5, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Ngayong Linggo sa Kapuso Mo, Jessica Soho, tampok ang iba’t ibang paandar ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan.

Muling makakapanayam ni Jessica Soho ang 4th Impact na binubuo ng magkakapatid na sina Almira, Irene, Mylene, at Celina para kumustahin ang kanilang karanasan sa X Factor UK. Alamin kung ano ang mga dapat antabayanan sa kanila ng kanilang mga tagahanga.

Samantala, nakatutuwa man ang lyrics sa kantang Pamasko nina Pido at Andrei, higit pa sa mga barya ang nais matanggap ng dalawang bata na nakunan at naging viral ang video ng pangangaroling sa kahabaan ng España.

Matakam naman sa mga patok na all-time Pinoy favorite Christmas food na may bagong twist tulad ng puto bumbong na may buko jelly, ang iba’t ibang pina-level up na sarap ng leche flan, at Christmas candies.

Pasayahin din lalo ang inyong Christmas party sa mga bagong twist sa parlor games.

Sisilipin din ng KMJS ang ilan sa mga pinakapanalong Christmas decorations sa buong mundo. Nariyan ang dambuhalang ferris wheel sa Pampanga na nagmistulang giant parol, ang pabidang Christmas trees sa Sultan Kudarat, at ang pasabog na Christmas decorations ngayon sa Hong Kong Disneyland.

At habang namamayagpag si Adele sa kanyang bagong hit single na Hello, magpapatalbugan naman ang dalawang Pinoy sa pagbirit sa Ano Ka, Hello?  singing battle.

Kasama namang kinikilig sa hit song ni Bryan White na God Gave Me You ang magka­sintahang sina Mark at Lalaine. Dumating na rin ang tamang panahon para sa kanila dahil sa linggong ito, ikakasal na ang dalawa matapos ang kanilang Kalyeserye-inspired pre-nup pictorial.

ANG ANO KA BRYAN WHITE GOD GAVE ME YOU HONG KONG DISNEYLAND JESSICA SOHO KAPUSO MO NGAYONG LINGGO PINOY SULTAN KUDARAT X FACTOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with