^

Pang Movies

Rakistang singer na si Pink, UNICEF ambassador na

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Ang singer na si Pink ang pinakabagong UNICEF ambassador.

Malaking pagbabago raw ito sa kanyang buhay, lalo na’t nakabisita siya sa bansang Haiti kung saan maraming mga kabataan ang nangangailangan ng tulong.

“I’ve always wanted to work with UNICEF. It’s the one organization that has over the last 15 years just consistently been in my mind for all the amazing things that they do.

“It was an amazing trip to Haiti. It’s one thing to see something on paper, but to see it in real life...” ngiti pa niya.

May kinalaman nga raw ang 4-year-old daughter ni Pink na si Willow sa kanyang pagpasok sa UNICEF.

“When you have a child of your own and you try to imagine looking at them and not being able to feed them it does something to you.

“It’s so empowering to be in charge of helping.”

Ken Chan inalok ng kasal ng lalaki

Nakakatuwa ang sagot ni Ken Chan sa tanong kung masyado na ba niyang na-enjoy ang kanyang pagganap bilang isang transwoman sa afternoon teleserye ng GMA 7 na Destiny Rose?

“Medyo! Echos!!!” malakas na tawa pa niya.

“Kailangan ko lang i-enjoy kasi ang saya naming lahat sa set. Lalo na at maganda ang ratings namin at parati kaming nagte-trending.

“Pero nakakatuwa na may mga sumeseryoso kahit alam nilang TV drama lang ito,” pagtatapos pa ni Ken Chan.

Look-alike ni Daniel, pasisikatin ng Viva

Daniel Padilla look-alike ang bagong Viva artists na si Anthony Pimentel.

Isa si Anthony sa ibi-build up ng Viva Artist Agency para maging leading man sa mga future projects nito sa TV at pelikula.

Natuwa nga ang 18-year-old CSB (College of Saint Benilde) sophomore dahil hindi niya akalain na magiging exclusive artist siya ng isang film and TV company.

“I promise to work hard and be professional para hindi naman ako mapahiya kina Boss Vic (del Rosario) at Ms. Veronique (Corpus),” ngiti pa ni Anthony who is co-managed by Faces International ni Jojo Veloso.

Lumabas na sa afternoon teleserye na Doble Kara si Anthony bilang isa sa mga barkada ni Edgar Allan Guzman.

Miyembro rin ng isang banda si Anthony kaya marunong din itong kumanta at mag-perform.

Dream leading lady ni Anthony ay si Jasmine Curtis-Smith. Matagal na raw niyang crush ito at sana ay makatambal niya ito sa isang teleserye o sa isang rom-com movie.

ACIRC

ANG

ANTHONY PIMENTEL

BOSS VIC

COLLEGE OF SAINT BENILDE

DANIEL PADILLA

DESTINY ROSE

DOBLE KARA

EDGAR ALLAN GUZMAN

FACES INTERNATIONAL

KEN CHAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with