^

Pang Movies

Balik-tambalan nina John Lloyd at Bea, sakto ang timing

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Magaling sa timing ang ABS-CBN. Naghihintay talaga sila ng magandang istorya para kina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Marami nga ang nag-akala na pinabayaan na ng Dos si John Lloyd pero hindi pala, may magandang project na niluluto para sa actor. Kung ikukumpara ang tambalang Loydie at Bea sa mga umaaribang love team ngayon, hindi sila maigugupo. Ilang beses nang tumabo ang tambalan ng dalawa.

Masaya si John Lloyd, nakaraos na siya sa matagal ding paghihintay. At ang maswerte, nakapasok pa ang movie niya para sa MMFF 2015 kapalit ng pelikula sana ni Aljur Abrenica na hindi natuloy. Well, talaga namang ganyan sa showbiz, weder weder lang!

Alden at Maine malamig ang Pasko

Sa Japan pala magpa-Pasko si Maine Mendoza at ang kanyang pamilya. Marahil iti-treat niya ang kanyang pamilya dun dahil sa kanyang tinamong swerte bago sumapit ang kapaskuhan.

Si Alden Richards naman ay dito lang sa Sta. Rosa, Laguna sa Pasko. Tiyak maraming inaanak si Yaya Dub na malungkot dahil hindi makakapamasko sa kanilang ninang. Who knows, baka may mga gift na siyang iniwan para sa mga inaanak at ibibigay na lang pagsapit ng Pasko. Ano kaya gift ni Yaya Dub kay Alden?

Career ni Wendell nagkakakulay na ulit

Masaya na uli si Wendel Ramos. May movie siyang ipinapalabas, ang Wang Fam under Viva Films.

Medyo nanabik din ang fans ni Wendel dahil matagal siyang hindi napanood.

Balik-kontrabida ang actor at type naman niya itong gampanan.

Paolo paiba-iba ang ginagawa

Humahataw si Paolo Contis ngayon at mukha siyang masaya sa darating na Kapaskuhan.

Bukod sa teleserye, may movie kung gagampanin niya ang isang mabagsik na kontrabida. Nagtataka nga ang mga kasamahan ni Paolo, ang bilis daw niyang magpalit ng character.

Sa Bubble gang, nagpapatawa si Paolo pero sa serye, kontrabida naman ang porma niya.

Sa Magpakailanman, isang bading naman ang role ni Paolo bilang lover ni Rodjun Cruz. Mahalin mo lang daw ang trabaho, tiyak mamahalin ka rin nito, payo ng actor.                         

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ANG

BEA ALONZO

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

MAINE MENDOZA

MASAYA

NBSP

PAOLO CONTIS

PASKO

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with