Bangs at BF na taga-London sa Bora ikakasal!

Ang haba ng hair ni Bangs Garcia, abot hanggang London, nang magkuwento ito after ng guesting niya sa segment ni Tita Aster Amoyo na Celebrity Talks sa Walang Tulugan sa GMA 7 kahapon, Saturday.

Parang Quiapo lang ang London na madalas ngayong pinupuntahan ng seksing aktres dahil sa kanyang nobyo na isang Pinoy/half-British na isang property developer.

Minsan naman daw ang BF niya ang dumadalaw sa kanya rito sa bansa. Kung hindi puwede ang nobyo, ay pinadadalhan siya nito ng ticket papuntang London.

Mag-iisang taon nang magkarelasyon ang dalawa na nag-umpisa nang magkita sila sa Boracay last January. Destiny ang description ni Bangs dahil ayaw daw niyang pumunta sa Boracay that time, pero parang may humahatak sa kanya, at doon nga niya na-meet ang nobyo ngayon.

Feeling blessed si Bangs dahil in God’s time ay finally daw ay nagkaroon siya muli ng nobyo na sobrang bait ayon sa pagkukuwento nito.

Bale ba, pupunta ang buong pamilya ng nobyo niyang 28 years old sa ‘Pinas para mamanhikan at makilala nga ang parents niya.

Malamang daw ay sa Boracay sila ikasal dahil dun nga sila nag-meet, pero kung saka-sakali wala pa silang balak agad mag-anak kahit mahilig sila sa bata pareho. Gusto muna nilang mag-travel around the world na sila lang dalawa para ma-enjoy ang pamamasyal tulad nang pumunta sila sa Paris at Barcelona. Iba na raw kasing level kapag nagkaanak sila dahil malaking responsabilidad na ang haharapin nila.

Ayaw din daw siyang patigilin ng nobyo sa pagtatrabaho kahit after ng kasal, kung saan sobrang natuwa ang aktres dahil sa pagiging supportive raw nito sa kanyang career.

Gusto ng kanyang nobyo na magkaroon sila ng bahay sa London at the same time rito sa bansa kapag naikasal na sila, tutal naman ay isang property developer ang dyowa niya.

Show comments