Benefit concert ni AiAi para sa simbahan, sangkaterba ang mga guest
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - November 21, 2015 - 9:00am

Bukas na, November 23, ang For The Love of Mama benefit concert sa SM Mall of Asia Arena, at 7:00 p.m., presented ng MEDA Foundation ni AiAi delas Alas, para sa construction ng Kristong Hari Church sa Commonwealth, Quezon City at para rin sa Anawin Lay Missions Foundation, Inc. sa Montalban, Rizal na itinatag ni Bro. Bo Sanchez at isa rin sa tinutulungan ni AiAi. Feature din sa concert si Bo Sanchez.

Free ang paggi-guest nina Erik Santos, Alden Richards, Ruru Madrid, Gabbi Garcia, Sancho delas Alas, Jay Gonzaga, Kylie Padilla, Nikki Valdez, Ron Dancers at ng The Philippine Madrigal Singers.

Performers din ang K5, ang mga Kerygma singers na sina Alvin Barcelona, Arun Gogna, Obet Cabrillas, Jon Escoto at si Andrian Panganiban at ang Six Priests in the City na sina Fr. Erick Santos, Fr. Allan Samonte, Fr. James Nitollama, Fr. Steve Zabala, Fr. Joel Sayson at Fr. Ray Pascual, with Michael Angelo Lobrin at Fatima Soriano at siyempre si Ms. AiAi delas Alas.

Stage and TV director si GB Sampedro, musical director si Elmer Blancaflor.

Juan Tamad, Season 2 na

Congratulations kay Sef Cadayona.  Simula ngayong Sunday, nasa second season na ang kanyang comedy show na Juan Tamad at 4:30 p.m. sa GMA 7.

Kasama ni Sef sa show sina Max Collins, Marissa Sanchez, Roi Vinzon, Melanie Marquez at RJ Padilla. Na-introduce na rin nina Sef ang sarili nilang game para sa android phones.

Alden at Yaya Dub, nagtanan na!

Tampu-tampuhan pa rin si Yaya Dub (Maine Mendoza) kay Alden Richards sa opening number nito sa Eat Bulaga kahapon.

Sumptuous lunch daw ang ipinag-imbita ni Babah pero heavy merienda ang handa niya like dinuguan, arroz caldo, puto, pansit at ginataan (paboritong ihanda ni Manay Ichu Maceda).  May parang nabangga, pero nabangga pala talaga ni Alden ang Hummer ni Babah, sabi ni AiAi “sa script lang iyan pero kapag totoo, lagot ka sa akin.”

Dumating muli si Cindy at sumalo na sa kanila.

Nag-explain na naman si Alden na wala siyang alam tungkol doon at niyakap niya nang mahigpit si Yaya para huminto na ito. Sabi ni Babah, dahil malapit na ang Christmas, hindi pa niya iilitin ang mansion ni Nidora pero in-announce niya na tuloy ang kasal nina Alden at Cindy.  Ipinaglaban ni Alden si Yaya at nagpaalam sila, tumakas sa mga lola at kay Cindy.  Walang sapatos si Yaya dahil pinahubad ni Babah nang pumasok sila sa mansion kaya nag-piggy ride muli si Yaya para makatakas sila, kaya lamang hindi nila alam kung paano lalabas sa bakuran, nadapa pa si Alden.  Kaya sabi ni Tidora, ‘Yaya, mag-reduce ka.’  Makalayo na ba sina Alden at Yaya Dub?

ALDEN ALDEN RICHARDS ANG BABAH BO SANCHEZ CINDY JUAN TAMAD NBSP SEF YAYA YAYA DUB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with