Baby Zion nominado sa Push Awards
Jun Lalin (Pang-masa) - October 29, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Nominated si Baby Zion sa Awesome Baby cate­gory sa Push Awards ng push.com ng ABS-CBN.

Siyempre pa, masaya ang parents ni Baby Zion, sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, sa nomination na ‘yon ng anak sa first ever Push Awards na ang presenter ay PLDT bilang official broadband partner.

Actually, hindi na bago kay Baby Zion ang ganito. Kung matatandaan, last year ay nag-tie pa sila ng ninong niyang si Vice Ganda sa Tatt Awards 2014 at nanalo sila sa kategoryang Trendsetter of the Year.

Hindi nga lang si Baby Zion mismo ang tumanggap ng award niya kundi ang “Dada” niyang si Richard dahil nakatulog ang bata sa tagal ng awarding ceremony.

Sa November 10 gaganapin ang Push Awards sa Resorts World Manila at hindi pa naman sure kung makaka-attend doon si Baby Zion, pero nakakatuwang malaman na maraming fans ang bata na bomoboto para sa kanya.

Regine bawal piktyuran habang kumakanta

Mali ang akala ng iba na hindi puwedeng magdala ng cellphone sa Regine at the Theater series of shows ni Regine Velasquez-Alcasid sa The Theater ng Solaire Resorts and Casino sa November 6, 7, 20 at 21.

Ayon sa sister-manager ni Regine na si Cacai Velasquez-Mitra na producer din ng nasabing  series of shows ng Asia’s Songbird, ang bawal ay ang magkuha ng litrato o video.

Dahil maraming bantay, tiyak na lalapitan at masisita ang hindi susunod sa rule na ‘yon.

Samantala, masaya si Regine sa balitang mabenta ang tickets ng Regine at the Theater at ipinagpasalamat na naging malinaw sa lahat na available ang tickets ng series of shows niya sa SM Tickets.

Sabi naman ni Cacai, sa SM Tickets lang puwedeng bumili ng tickets at wala silang ibebentang tickets sa venue mismo.

Bago raw pumunta ng Solaire, kailangan na bumili na ng tickets sa SM Tickets ang mga manonood ng show.

Dahil mas maliit na venue ang The Theater, mas intimate raw ang show na ito ng misis ni Ogie Alcasid at tiyak na mas magugustuhan ng kanyang mga tagahanga.

Samantala, kahit maraming nangungulit kay Regine tungkol sa mga kandidatong susuportahan nila sa 2016 elections ay tahimik lang siya.

Ang mister daw niya na si Ogie ang mas nakakaalam tungkol doon.

ACIRC ALIGN ANG AWESOME BABY BABY ZION CACAI VELASQUEZ-MITRA LEFT PUSH AWARDS QUOT STRONG TICKETS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with