Gladys nakatikim ng talak kay Direk Joel
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - September 23, 2015 - 10:00am

Inamin ni Dennis Trillo, ang gumanap na Felix Manalo sa film bio ng nagtatag ng Iglesia Ni Cristo (INC), sa grand presscon na ginanap sa Manila Hotel na na-i-excite na siya na finally ay mapapanood na ang pinakamalaking pelikulang ginawa niya na tumagal ng 58 shooting days bago nila natapos, sa pamamahala ng mahusay na director na si Joel Lamangan. Gusto raw niyang makita ang reaksiyon ng mga manonood, pero ninenerbyos din siya. Pero masaya siya kapag may mga nagpapa-picture sa kanya na mga kaanib ng INC, iyong iba, may mga tickets nang hawak para sa grand premiere night nito sa October 4 na gaganapin sa Philippine Arena.

Ayon kay Vincent del Rosario, ng Viva Films at producer ng Felix Ma­nalo, may 55,000 seater ang Philippine Arena at may dalawang representatives ng Guiness World Records ang darating sa premiere night para masukat kung kaya nilang pumasok sa Guiness for the largest audience in a film premiere and screening.

Dumalo rin sa presscon na members ng cast sina Jaclyn Jose, Gabby Concepcion, Snooky Serna, Gladys Reyes, Yul Servo, AJ Muhlach, at marami pang iba.  Nag-apologize ang leading lady ni Dennis Trillo na si Bela Padilla, na gumaganap na si Ka Honorata, wife ni Ka Felix na hindi nakadalo dahil may previous commitment na.

Nakatikim pala si Gladys Reyes ng galit ni Direk Joel Lamangan minsan sa shooting ng Felix Manalo nang late silang dumating ng asawang si Christopher Roxas. Pero bago raw iyon, nag-text na siya sa production na mali-late sila dahil sasamba muna silang mag-asawa.

Kaya nagulat daw siya nang habang nagmi-make-up siya, as Avelina, isa sa mga anak ni Ka Felix, biglang nagpatawag ng meeting si Direk Joel.  Alam na raw nila na may mga nakagawa na naman ng paglabag sa mga rules ng director nila.  Hindi niya inisip na siya pala iyon, dahil iyon agad ang bungad sa kanya.  Medyo natatakot din daw siya pero lakas-loob siyang nagsabi na nagpaalam siya na mali-late dahil sasamba muna sila, at ipinakita niya ang text message na mabuti raw hindi niya na-delete, pero hindi naman pala ipinarating sa director.

Nag-soften-up daw naman agad si Direk Joel at sinabing: “pag tungkol naman sa ganoon na pagsamba, okey namang reason sa akin iyon.”

Gabby at Snooky maraming natutunan sa Felix Manalo

Natanong naman namin after the presscon si Gabby Concepcion na gumaganap na older Ka Erano Manalo (Ka Erdy) sa movie, kung bakit teary-eyed siya sa pagsagot niya sa tanong during the presscon?

Naalaala daw kasi niya noong bata pa siya na gustung-gusto niyang makilala si Ka Felix.  Iyong bahay nila kasi sa San Juan, ay katalikuran lamang ng INC at pagkatapos daw ng klase niya, pumupunta siya roon.  Gusto raw kasi niyang malaman kung ano ang ginagawa nila sa pagsamba nila, kaya natuwa siya nang isa siya sa kinuha para bumuo ng cast.  At sa pagsu-shooting nila, marami pa siyang natutunan tungkol kay Ka Felix sa INC.

Matagal na ring miyembro ng INC si Jaclyn Jose, pero gusto pa rin niyang makilalang lubos si Ka Felix, iyong parang kaharap lamang niya. Kaya nang i-offer sa kanya ang role ni Tiya Victorina, natuwa siya.  Kaya naman wala siyang reklamo kung umaga na siyang umuuwi galing sa taping ng MariMar dahil may shooting pa siya sa movie.

ANG DENNIS TRILLO DIREK JOEL FELIX FELIX MANALO GABBY CONCEPCION GLADYS REYES JACLYN JOSE KA FELIX NBSP SIYA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with