^

Pang Movies

Nash hindi proud sa ina

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipakikita ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN sa TV viewers ngayong Sabado (Setyembre 12) ang walang kapantay na pagmamahal ng isang ina sa pagbabahagi nito ng kakaibang kuwento ng isang ina na sinikap gawin ang lahat para sa kanyang anak. Ito ay pagbibidahan nina Snooky Serna at Nash Aguas.

Sa pagkakaroon niya ng mas masayahin at masiglang pagkatao, hindi nagkulang si Maritess (Snooky) sa pagpaparamdam sa kanyang anak na si Jeremy (Nash) ng kanyang pangangalaga at pagmamahal.

Ano ang mga pagsubok na kinailangang harapin ni Maritess para patunayan ang kanyang sarili bilang isang magulang? Gaano nga ba kasakit para sa kanya na ikahiya ng sariling anak? Kasama rin sa upcoming episode ng MMK sina Maureen Mauricio, Pen Medina, JB Agustin, Nene Tamayo, Crispin Pineda, Rufami, Marnie Lapuz, Poppert, at Peewee O Hara. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Nuel Naval, at panulat ni Nikki Bunquin. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.

ANG

CRISPIN PINEDA

MAALAALA MO KAYA

MALOU SANTOS

MARITESS

MARNIE LAPUZ

MAUREEN MAURICIO

NASH AGUAS

NENE TAMAYO

NIKKI BUNQUIN

NUEL NAVAL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with