^

Pang Movies

Heart matatagalan pa bago mabigyan ng anak si Sen. Chiz

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Asked ko lang Salve A., totoo bang kailangan munang i-give up ni Heart Evangelista lahat ng kanyang commercial bago siya magbuntis?

Naka-stipulate raw ito sa lahat ng kanyang endorsement contracts.

Kaya siguro, in a year or two pa bago mabigyan ng anak ni Heart si Senator Chiz Escudero.

More than two children daw ang gusto na maging anak ni Senator Chiz kay Heart.

May kambal na lalaki at babae naman si Senator Chiz sa dating karelasyon na si Tintin Flores na ngayon nga ay 7 years old na.

Julia bumili ng bahay malapit kay Coco

Hindi lang pala si Liza Soberano ang nakatakdang lumipat ng bagong bahay anytime soon. Nakabili na rin daw ng sari­ling bahay niya at ng kanyang pamilya si Julia Montes.

Samantalang located sa Filinvest, Quezon City ng bahay na nabili ni Liza, ang kay Julia ay malapit daw sa bahay ni Coco Martin sa may Fairview, Quezon City.

Parehong busy ngayon sina Liza at Julia. May ginagawang movie naman si Liza with Gerald Anderson.

Mother Lily nami-miss ang pagtugtog ng piano ni Sen. Bong

Sa kanyang pagbisita kina Senator Bong Revilla at Senator Jing­goy Estrada sa Custodial Center, PNP, binanggit ni Mother Lily na miss na miss na niya ang pagdalo lalo na ni Senator Bong sa kanyang birthday.

“Sa bawat occasion na meron ako” sabi ni Mother Lily.

“Minsan nga, patuloy ni Mother, “Isang grand lyric piano ang regalo ni Sentator Bong sa aking birthday”.

Naka-display sa malawak na sala ng bahay ni Mother Lily sa Greenhills ng isang magarang piano.

Marunong tumugtog ng piano si Mother at madalas siyang tumugtog sa pianong bigay ni Senator Bong.

Sen. Bong gabi-gabing ipinapanalangin ni Luz Valdez

Isa pang aktres na miss si Senator Bong ay si Luz Valdez, whose husband, fellow liner noong pareho pa silang nagsisimula sa showbiz, si Robert Campos.

Hiwalay na sina Luz at Robert nang mamatay si Robert kamakailan. Pero, hindi annulled ang kanilang marriage. May dala­wa silang anak na isang babae at isang lalaki.

“Na-touch ako kay Senator Bong na kahit naka-detain siya nagparating pa rin siya sa akin ng pakikiramay.  ‘Di rin siya nakalimot magpadala ng tulong” kuwento ni Luz.

Ilang pelikula rin bilang mag-ina ang pinagsamahan nina Senator Bong at Luz.

“Dalangin ko gabi-gabi na matapos na ang paghihirap ni Senator Bong.  We need him sa showbiz” ani Luz.

Sarah wagi na naman sa kantahan worldwide!

Wow, congrats kay Sarah Geronimo dahil sa victory niya sa katatapos na Global Sound 10th Int’l. Song contest. Ilan lang ito sa marami ng awards na napanalunan na ni Sarah.

Yet, ani Sarah, “Every award excites me, siyempre pa dahil nangangahulugan ito na may na-achieve ka na naman sa propesyon mong pinasok”, naka­ngiting saad ni Sarah.

Of course, first na nagparating kay Sarah ng kanyang pagbati ay ang kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BONG

JULIA

LUZ

LUZ VALDEZ

MOTHER LILY

QUEZON CITY

SENATOR

SENATOR BONG

SENATOR CHIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with