Anak nina Aga at Janice, big time chef na
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - August 22, 2015 - 10:00am

May bagong TV commercial ang mag-inang sina Janice de Belen at Luigi Muhlach, na isang klase ng pampasarap ng pagkain.

Sabi ni Janice, obyus na obyus na sa kanya nagmana ang anak na si Luigi sa husay nito sa pagluluto.

Minana rin daw niya ang kanyang pagiging mahusay na cook sa kanyang inang si Susan.

Nag-aral si Luigi ng Culinary Arts ng apat na taon at ngayon nga ay isa na itong chef sa isang first-class hotel. Si Luigi ay anak ni Janice kay Aga Muhlach.

Julia nangangarap magkaroon ng kainan

Culinary Arts graduate rin si Julia Montes na pagkatapos ng kanyang appearance sa Wansapanataym ay piniling mag-aral muna habang siya ay bakante at nag-aantay para sa kanyang next assignment.

Eventually, ani Julia, kapag hindi na raw siya active sa showbiz ay gusto niyang magtayo ng sariling restaurant.

Eere na ang bagong serye ni Julia na Doble Kara sa Lunes, August 24, pagkatapos ng Flordeliza.

John Lapus busy na uli sa Kapamilya

Happy kami for John Lapus dahil, after a long time, may show na siya uli sa Kapamilya Network

Kasama siya sa cast ng Doble Kara kung saan gaganap siya bilang “tita” nina Sara at Kara na pareho namang gagampanan ni Julia Montes.

He is again a gay in the series, pero gay na may “finess”.

In fairness naman kay John bago siya magbalik-Kapamilya, dahil nagkaroon din siya ng ilang projects sa TV5, tampok din si John sa kanyang online talk show na Korek ka John na mapapanood tuwing Wednesday, 5 p.m. sa push.com

In real life John is an ideal only son to his mom. Siya ay anak ng isang batikang scripwriter na si Ferdinand Lapuz.

Michael de Mesa at Gov. Vi nagkabalikan sa pelikula!

Totally bald na si Michael de Mesa and, surpri­singly, it becomes him.

Gaganap si Michael bilang leading man ni Batangas Governor Vilma Santos kung saan kasama rin nila sa pelikula sina Angel Locsin at Xian Lim sa ilalim ng direksyon ni Joyce Bernal.

Marami ng ginawang movie together sina Ate Vi at Michael. Pero first time nila ito pareho with Angel and Xian.

May dalawang anak si Michael sa aktres at direktor na si Gina Alajar na parehong pumasok din sa showbiz na sina Ryan at Geoff Eigenmann.

Pag-apir ni Sen. Trillanes sa birthday ni Mother Lily, ikinagulat ng lahat!

Isa sa mga dumating sa Events place ni Mother Lily nang mag-celebrate siya ng kanyang 76th birthday ay si Senator Antonio Trillanes na labis na ikinamangha ng mga entertainment press na bisita ni Mother. Alam kasi ng grupo na malaki ang utang na loob ni Senator Trillanes kay Mother Lily, lalo nang tumakbo siya bilang senador for the first time.

Kasi naman, first time makasalamuha si Senator Trillanes sa isang okasyon which Mother Lily organized, mula ng ma­ging twice Senator siya.

Tatakbo daw bilang Vice President si Senator Trillanes sa darating na 2016 elections.

ACIRC CULINARY ARTS DOBLE KARA JANICE JOHN LAPUS JULIA JULIA MONTES MOTHER LILY SENATOR TRILLANES SIYA STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with