^

Pang Movies

Donita divorced na sa Fil-Am na asawa!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Divorced na pala si Donita Rose sa kanyang Fil-Am husband na nanatili sa Amerika.

Pero ayon sa interview kay Donita sa Startalk last Saturday, with Heart Evangelista-Escudero ay ibinalita ni Donita na gustong i-reconsider ng kanyang dating mister na mai-revoke ang kanilang kasal.

May isang anak na lalaki sina Donita at ang kanyang asawa.

Sarah Carlos huminto sa pag-aaral para guluhin sina Daniel at Kathryn

Ipinakilala na ang isang De La Salle University student na si Sarah Carlos sa high rating series na Pangako Sa ‘Yo na tinatampukan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo kasama sina Ian Veneracion, Angelica Panganiban, at Jodi Sta. Maria.

Sarah plays the role of Bea Bianca, na malapit na kaibigan ni Kathryn na may gusto rin ay Daniel.

Maganda si Sarah bukod sa magaling siyang umarte. Si Sarah ang napili nina Direk Olive Lamasan at Direk Rory Quintos nang magpa-audition sila for the role of Bea Bianca for Pangako Sa ’Yo. Huminto muna sa kanyang pag-aaral si Sarah bilang Business Management student.

Daniel insecure rin kay Diego!

Bukod kay Sarah, another newcomer to watch is Diego Loyzaga, na gumaganap bilang karibal ni Daniel kay Kathryn. Supposedly, insecure si Daniel sa kanya.

Tall and well-built, malaki ang pangako nitong si Diego na tulad ni Daniel ay may future bilang isang matinee idol.

Anak si Diego ni Cesar Montano kay Teresa Loyzaga. Very classy ang kasalukuyang commercial ni Diego for a softdrink.

Tampok na VJ rin si Diego sa MYX, the Music Channel ng ABS-CBN.

Kahit umayaw nang gumawa, Cesar bumagsak pa rin sa MMFF!

Speaking of Cesar, after a while, may pelikula na muli siya.

Siya ang napiling replacement ni Robin Padilla sa isang Metro Manila Film Festival (MMFF), na tinatampukan din ni Maria Ozawa na imported from Japan.

Si Cesar ang alam naming unang inalok para mag-direk ng pelikula ng INC (Iglesia Ni Cristo). But he reportedly begged off. He was replaced by Joel Lamangan.

The INC movie, which Viva Films will release, is to be shown October 7, in theaters nationwide.

Matteo nag-i-effort pantayan ang pagkanta ni Sarah

Ang dating mga Pinoy Big Brother (PBB) All In graduates an sina Jane Oineza, Louisa Andalio, at Joshua Garcia, ay tampok sa Kapamilya Caravan to six provinces, kasama ang mga Kapamilya stars na sina Maja Salvador, Paulo Avelino, at Matteo Guidicelli.

Kabilang sa mga probinsya na kanilang binisita ay ang Dagupan, Capiz, Albay, Guimaras, and Palawan.

Jane, Loisa, Joshua, Maja, and Paulo performed and also sung much to the crowd’s enjoyment.

Si Matteo ay pinalakpakan sa kakaibang effort niya to sing like his girlfriend, Sarah Geronimo.

Samantala, kakatapos lamang nina Maja at Paulo sa kanilang kontrobersyal series na Bridges of Love, tampok naman sina Jane, Loisa, at Joshua sa kasalukuyang sinusubaybayan na afternoon series, Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.

Malapit na rin magsimula ang teleserye ni Matteo with Shaina Magdayao.

 

ALL IN

ANG

ANGELICA PANGANIBAN

BEA BIANCA

BRIDGES OF LOVE

DONITA

KATHRYN

PANGAKO SA

SARAH

SARAH CARLOS

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with