Mga nagbibintang kay Maria Ozawa, parang walang utak
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - August 15, 2015 - 10:00am

Para namang walang kautak-utak iyong mga nagsasabing ang pornostar na si Maria Ozawa ang dahilan kung bakit nakunan si Mariel Rodriguez. Siguro hindi lang nila nagustuhan ang sinabi ng Haponesa na unprofessional si Robin Padilla dahil biglang umatras sa kanilang project nang magsisimula na ang shooting nila. Nai-intindihan naman namin ang ganoong reaksiyon niya dahil isipin ninyo ang preparasyon niya, iyong hindi niya pagtanggap ng ibang trabaho dahil sa schedule ng shooting ng pelikula, at saka siyempre may publisidad na rin iyan kahit na sa Japan, tapos biglang hindi tuloy.

Ang tanong namin, ano naman ang masasabi nilang dahilan para si Maria Ozawa ay pagbintangang dahilan kung bakit nakunan si Mariel? Palagay namin si Mariel ang dapat na magpa-check up nang husto dahil ito na ang ikalawang pagkakataon na nakunan siya eh. Baka naman may ibang dahilan.

Ate Vi mas priority na ang showbiz, sawa nang mag-pulitika

“Wala sa plano ko iyan. Wala akong ambisyon. Hindi ako interested. Salamat na lang sa pag-consider nila sa akin pero hindi pa rin ako nagbabago ng aking stand, wala akong interest sa ano mang posisyon sa 2016,” ang medyo mabigat ng salita ni Ate Vi na ipinarating sa amin, at nakikiusap siyang kung puwede sabihin na rin sa lahat iyan.

Iyan ay bilang reaksiyon ng gobernador doon sa kumakalat daw na mga tarpaulin sa Batangas mismo na nagsasabing siya ang ka-tandem ng isang kandidato para presidente.

Matagal na namang sinasabi ni Ate Vi na after 18 years of public service, gusto naman niyang magpahinga at mabalikan ang talagang propesyon niya, ang showbusiness.

Bahagi na rin kasi ng kampanya iyan, siguro iniisip man nilang ayaw man ni Ate Vi na makipag-tandem pa at tumakbo sa mas mataas na posisyon, ang mga ganoong tarpaulin ay maaaring paniwalaan ng mga tao lalo na sa Batangas na isang diretsahang endorsement ng kanilang gobernadora, na napakaganda ng record sa paglilingkod.

Ang sinasabi nga lang ni Ate Vi, pare-pareho naman silang magkakaibigan at hindi lang iisa ang kanyang tinanggihan dahil gusto na nga niyang magpahinga. Ayaw naman niyang isipin ng iba na tumanggi siya sa kanila at pumayag siya sa iba. Noon daw tanggihan niya ang isa, tinanggihan na niyang lahat dahil ang gusto nga niya ay makapagpahinga naman.

Mayroon lang mga talagang namimilit pa kahit na nga sinabi na ni Ate Vi na ayaw niya. Pero ang statement na iyan ay ikinatutuwa naman ng mga taga-showbusiness. Alam ba ninyong ang isang producer nagpadala na kay Ate Vi ng pitong scripts agad for her consideration. Alam naman kasi nila, ang mga pelikula ni Ate Vi ay hindi kagaya ng iba na tinatanggihan ng mga sinehan.

Hubad na katawan ng isang contestant sa TV, pinaglalaruan

May kumakalat na namang tsismis, may isa raw contestant sa isang personality contest sa isang TV show na may kumakalat na scandal picture. Hindi contest ngayon ang sinasabi kundi isang contest na ginanap ilang buwan na rin ang nakararaan.

Hindi rin namin confirmed pero kamukha nga ng contestant na sumasali na naman sa contest ulit.

ALAM ANG ATE ATE VI BATANGAS HINDI ISANG MARIA OZAWA MARIEL MGA NAMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with