^

Pang Movies

AiAi hinirang na Most Beautiful ang sarili

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pasabog na naman si AiAi delas Alas nang humarap sa entertainment press para sa kanyang solo presscon sa The Buffet resto sa Commonwealth Avenue kahapon. Biro ng press, galing siguro siya sa #shakedrill na isinagawa ng MMDA sa buong kamaynilaan.

 “Nagising na lang ako nang ganito! Ha! Ha! Ha!” bungad niya saka kumain ng lunch sa kanyang kasuutan na may mga kulay na batu-bato.

Inanunsyo ni AiAi na magtatapos na last week ang GMA-7 series niyang Let The Love Begin. At sa August 9, sasabak naman siya sa Sunday PinaSaya kung saan magkasama sila ng kambal niyang si Marian Rivera.

Meron din siyang magazine na ilalabas, ang I Lab Yu. “Ako ang ilalagay na Most Beautiful doon! Ha! Ha! Ha!

 “After ng Let The Love Begin, may apat na show concepts kaming ipi-pitch sa GMA at dalawa na roon ang isang game, talk show na parang revival ng See-True at Eye To Eye ni Ate Luds at isang morning show.

 “So far, so good naman ang nangyari sa simula ko sa GMA-7. Medyo nabago na nga lang ang takbo ng istorya ng Let The Love…Medyo nakakapanibago pero okey na rin sa akin ‘yon,” pahayag ng Comedy Queen.

In between her shows, inaayos rin niya ang For The Love of Mama inspirational concert na gagawin niya sa SM Mall of Asia Arena sa October 27.

 “Guest lang ako rito. Mga pari ang kakanta rito. Hopefully, maka-raise kami ng pera para sa pagpapalaki ng simbahan ng Kristong Hari sa Commonwealth. Siyempre, behave ako sa songs ko!” balita pa niya.

Kahit abala sa work, nandoon pa rin ang concern niya sa nangyayari kay Jiro Manio. Nasa isang facility pa ang kanyang anak-anakan at December pa ang labas. Masayang ibinalita ni AiAi na nahanap na ang ama ni Jiro na gusto niyang makita sa tulong ng ilang kaibigan.

 “Sinearch namin at saka ‘yung binigay na names ni Anjo (kuya ni Jiro) na puwedeng makatulong. So alam ko na kung saan nakatira ang father sa Japan,” saad ni AiAi.

 “Ayoko lang munang kausapin huwag muna natin anuhin kasi wala pa naman si Jiro. Nasa loob ng facility pa. Paglabas na niya, saka na natin paplanuhin para kausapin ang tatay at saka ‘yung family. Kasi may family na ‘yung tatay. Respetuhin natin ‘yung pamilya.

“Siyempre, hindi pa natin alam eh. Malay mo, Japanese ‘yung pamilya! O Filipina,” rason niya.

Baka December daw ang labas ni Jiro sa facility.

“Ang plano ko sa kanya, after Christmas, magki-Christmas lang ako saka siyempre, may Metro Manila FilmFest movie kami. Hindi kami puwedeng umalis kasi magpu-promote kami.

 “Mga (December) 26, alis kami. Babalik ako bago New Year. ‘Yun ang plano na sana matupad. Sana makalabas siya before Christmas,” sabi pa ni Ai.

Ayon kay AiAi, cooperative naman daw si Jiro.

“Madalas siyang mag-exercise, basketball at zumba. ‘Yung mahaba niyang kuko, nagpaputol na siya ng kuko. Ganito kahaba nails niya pati sa paa. Ngayon, medyo okey na.

“So maraming magagandang signs. Saka tumawa siya. First time ko siyang nakitang tumawa. Sabi ko sa kanya, ‘O, ‘Nak, ha. Kailangang pik­tyuran kita kasi lumabas sa Facebook na patay ka na!’ Tumawa siya! ‘talaga? May ganoon?’ Kasi nu’ng una ko siyang kinuhaan, ayaw niyang magpa-picture!” chika pa niya.

Nabanggit na rin niya kay Jiro na natagpuan na niya ang father niya.

“Kaya siguro sabi niya..Hindi kasi niya matanggap na may sakit siya eh. Kelan daw siya uuwi? Na-excite din siya.

“Pero medyo natulala siya nang sinabi kong may pamilya na ang tatay niya. Tingnan muna natin kung paano aayusin. Ready niya ang emosyon niya at huwag siyang malulungkot kasi ganoon talaga ang buhay, di ba?

 “Pero ang importante, magkaroon siya at ang father niya ng closure! Tingin ko kasi ‘yun ang hinahanap niya! Kaya ngayon pa lang, nire-ready ko na ang emosyon niya dahil kahit ako, hindi ko alam kung ano ang magiging outcome pag nagkita sila ng tunay niyang father!” dekkara ni AiAi.

Eh, komo nga adopted din siya gaya nina VP Binay at Senator Grace, paano ‘yan pag kinuha siyang Vice President next year.

”I’ll think it over! Ha! Ha! Ha!” very politician na diin ng Comedy Queen.

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

COMEDY QUEEN

JIRO

KASI

LET THE LOVE BEGIN

NBSP

NIYA

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with