Mark Herras, tuluy-tuloy na nga ba sa pagpapasexy?

MANILA, Philippines - Ikinatuwa ng Bad Boy ng Dance Floor na si Mark Herras ang pagte-trending ng kanyang mga production number sa variety show ng Kapuso Network na Sunday All Stars. Ani ng StarStruck I Ultimate Male Survivor, hindi niya raw ito ine-expect, kaya talagang nagpasalamat siya sa mga bumubuo ng SAS.

Inusisa naman namin si Mark kung may plano na ba itong ituluy-tuloy ang pagpapaka-daring kaya ito nagpapalaki ng katawan. “Ako naman, I’m doing this not for para ito ‘yung ibigay na trabaho sa akin ng GMA na paghubad-hubadin nila ako pero I’m doing this for myself. Kasi for a couple of years, puro na lang ako paasa na magwowork out ako,” ani ng Kapuso star.

Show comments